Myrus walang paki sa reality shows
Kung ang iba ay nagkakandarapa para sumali sa mga talent contests at reality shows para magpakitang-gilas, ang baguhang si Myrus ay tahimik lang sa kanyang talento.
Hanggang madiskubre siya sa Friendster ng isang public relations person, si Chris Cahilig, na siyang humahawak sa 18-year-old CommArts student ng La Salle Cavite ngayon.
Dahil nagmula sa pamilyang mahilig sa musika, nakuha na niya ang sariling istilo sa pagkanta niya sa edad na tatlong taon pa lang. Habang lumalaki, nag-explore siya sa iba’t ibang genre at pinag-aralan pa ang boses niya ng husto sa R&B, pop at standard.
Hinahangaan niya sina Stevie Wonder, Luther Vandross, Usher, Michael Jackson, Prince, Brian McKnight sa foreign artists at sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, at Martin Nievera naman sa local scene.
Lumabas ang tunog ng mga impluwensiya niya sa debut album niyang Love Cycle, may laman na nine original love songs, na inilabas ng Chris Cahilig Consultancy at ipinamamahagi ng SonyBMG Music Entertainment.
Ang Love Cycle ay kasalukuyang ipino-promote ni Myrus at mabibili na sa mga record stores.
- Latest