Aiai babanggain ang TVJ
Matagumpay na naman ang katatapos na one-night stint ni Melanie Marquez sa Club Mwah. SRO ang lugar. Ang mga nanood sa kanya ay binuo ng mga kawani, partners, and friends ng Psalmstre, kumpanya ni Jim Acosta na siyang gumagawa ng mga produktong iniendorso ng dating Miss International tulad ng New Placenta beauty products.
Kung noong una ay pinahanga ni Melanie ang mga nanood sa kanya sa kanyang talino sa pagsasayaw, ngayon bukod sa sinasabayan niya ng pagkanta ang kanyang pagsasayaw ay nagawa pa niyang makapagsuot ng tangga na ikinamangha ng mga kaibigan niya’t kasabayang modelo.
“Kinarir ko talagang magpapayat para sa okasyong ito. Kaya ko naman pala, gumanda pa ang pakiramdam ko,” pagmamalaki pa ng inang marami nang anak.
Bago na ang interior ng Club Mwah. Mas lalo pang pinaganda ng magka-partner na Cris Nicolas at Pocholo Mallilin.
Kilala pa rin ang Club Mwah na ipinagmamalaking Broadway ng Mandaluyong City sa mala-Broadway nitong mga palabas tulad nang kasalukuyang tumatakbong Bedazzled 8 & 9.
Ideal din ang lugar para pagdausan ng mga events, parties, lalo na ngayong Christmas. May maganda na kayong venue, may maganda pa kayong entertainment provided by the famous Follies de Mwah.
* * *
Congrats sa PMPC sa matagumpay nilang pagdaraos ng TV Star Awards. Ang GMA 7 na naman pala ang tinanghal na best station na hindi na kataka-taka dahil magaganda ang mga programa rito, lokal man o banyaga.
Isang magandang halimbawa ay yung Koreanovela na My Husband’s Woman. Ang daming makaka-miss nito dahil magtatapos na ito sa linggong ito.
Congrats din kay Rufa Mae Quinto dahil tinanghal siyang Star of the Night sa katatapos na awards night. Kung sabagay, naiiba talaga siya noong gabing yun, for a change wala siyang ipinakitang cleavage, takip ang buo niyang katawan, except for her legs. Kaya lang talagang hindi niya maitatago ang kaseksihan niya.
Double congrats dahil best comedy actress pa rin siya for Bubble Gang. Hay Peachy, kaya ka minamalas sa love dahil swerte ka sa career.
* * *
Mukhang mahigpitan ang magiging labanan ngayong Pasko para sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Kung dati-rati’y kampanteng walang lumalaban sa grupo ni Vic Sotto na ni-revive ang Iskul Bukol para sa filmfest, aba kumakasa ngayon sa kanya si AiAi delas Alas na meron namang sequel ng Ang Tanging Ina, ang Ang Tanging Ina N’yong Lahat.
Kung ang malakas na tandem nina Tito, Vic & Joey ang pambato ng Iskul Bukol…20 Years After, si Eugene Domingo naman ang ka-tandem ng comedy concert queen. Men vs. women ang labanan, sino kaya ang papatok?
- Latest