Gabi pa ang awarding: Star Awards, umaga pa lang may winners na
Congrats kina Lorna Tolentino at Senator Jinggoy Estrada dahil mga winner sila sa FAMAS awards night noong Sabado ng gabi.
Hindi nakapagtataka ang tagumpay nina LT at Jinggoy. Mahusay talaga ang acting nila sa Katas ng Saudi.
Pinanood ko ang pelikula nang magkaroon ito ng press preview sa Podium Cinema noong isang taon. Wala akong balak na tapusin ang panonood pero hindi ako nakatakas dahil nagandahan ako sa kuwento ng Katas ng Saudi.
Mag-iisang taon na pala mula nang panoorin ko ang pelikula na naging official entry ng Maverick Films sa 2007 Metro Manila Film Festival.
Napakabilis ng araw. May bago nang filmfest movie si Jinggoy, ang Magkaibigan na unang movie team-up nila ni Christopher De Leon. Si Joey Reyes uli ang direktor. Hindi ako magugulat kung maganda ang kuwento ng Magkaibigan at ma-nominate uli si Jinggoy sa best actor category.
* * *
Umapir sa FAMAS awards si Marian Rivera, kesehodang may saklay siya na dala. Hindi pa magaling injury ni Marian na napilitan na dumalo sa Famas dahil first time niya na tatanggap ng special award mula sa German Moreno Youth Achievement Award.
Asking ang fans ni Marian sa Amerika sa mga gagawin niya sa dance concert nila ni Dingdong Dantes. Imposible siyang makasayaw dahil sa kanyang pilay.
* * *
Ginanap kagabi ang Star Awards for TV ng PMPC sa SMX ng Mall of Asia. Hindi ko pa alam ang kumpletong listahan ng mga winner pero umaga pa lang, kumalat na agad ang tsismis na win ang GMA 7 bilang Best TV Station at nanalo rin sina Vic Sotto, Sunshine Dizon, ang SOP, Unang Hirit at The Buzz.
Malalaman natin kung true ang leakage kapag nanalo ang mga name at TV show na binanggit ko.
Ewan ko lang kung may mag-react sa choices ng PMPC at kung meron man, sila ‘yung mga Luz Valdez o umuwing luhaan.
* * *
Totoo ang tsismis na hiwalay na sina Paolo Contis at Isabel Oli. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil wah pa sila talk.
Hindi man magsalita ang dalawa, siguradong kukulitin sila ng mga reporter. Hindi papayag ang mga reporter na hindi malaman ang puno’t dulo ng kanilang break-up.
Palagi kong sinasabi na walang lihim na hindi nabubunyag. Malalaman din natin ang ugat ng paghihiwalay nina Paolo at Isabel. Isa lang ang masasabi ko, hindi para sa promo ng One Night Only ang kanilang break-up. Kasali si Paolo sa cast ng One Night Only na entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival.
* * *
“God is good,” naman ang sagot ni Albert Martinez sa mga nagtatanong sa kalagayan ng kanyang asawang si Liezl Martinez.
Hindi na pinahahaba ni Albert ang kanyang sagot pero na-appreciate ng mga reporter ang hindi niya pag-iwas sa pagpapainterbyu.
Iginalang ng mga reporter ang desisyon ni Albert na huwag masyadong pag-usapan ang isyu tungkol kay Liezl. Ganyan ka-understanding ang mga reporter. Misunderstood lamang sila ng ibang mga artista. Misunderstood daw o!
- Latest