Roselle manang-mana sa ina
Mahigit tatlong dekada na ang Regal Films at sino ba ang di nakakikilala sa dating mvoie fan na ngayo’y iginagalang at kinikilalang si Mother Lily Yu Monteverde?
Pinasasalamatan din ang Regal Matriach sa patuloy na pagbibigay ng trabaho sa mga taga-industriya na paggawa ng movies samantalang ang ibang producers ay isa o dalawa lamang ang ginagawa sa isang taon.
Minsang natanong si Ricky Reyes kung sino ang dream niyang mainterbyu sa kanyang Life and Style with Ricky Reyes alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga tuwing Sunday sa QTV-11 - ito ang isinagot niya, “I would love to have Lily and Roselle Monteverde sa aking programa.”
Natupad ang pangarap na ‘yon dahil ngayong Linggo ay ang powerful ladies ang makakatsikahan ng host-producer sa show.
Maraming malalaman tungkol sa mag-ina. Ang mga sikretong ibabahagi nila tungkol sa produksyon. Mga bagay na personal. Pati na ang pagkakaroon nila ng argumento tulad ng tipikal na mother and daughter. At paano nga ba nagsimulang sundan ng anak ang mga yapak ng ina gayung sumubok pero sumuko sa larangang ito ang nakatatandang kapatid na si Sherida at nakababatang si Ronald? Masasagot ito sa LSWRR.
- Latest