^

PSN Showbiz

Aktres laging nakakandong pag nasa dressing room ng aktor

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Hindi pa rin malinaw hanggang ngayon kung totoong may relasyon ang sikat na aktor at aktres. Ayaw pa nilang aminin ang estado ng kanilang relasyon. Pero ’di man aminin ay nakikita naman ang kilos ng aktres dahil demonstrative ito kesehodang maraming nakakakita sa kanila.

Kwento ng production staff na minsan ay hinahanap ng alalay ang magandang aktres. May nagsabing naroon siya sa dressing room ng aktor. So, pinuntahan siya ng alalay at sumilip ito sa pinto kung saan nakita ang aktres na nakakandong sa aktor at nakapulupot ang kamay sa leeg nito.

Dagdag pa ng aking source na madalas makita o laging nakababad ang aktres sa dressing room ng aktor gayung may sarili naman siyang dressing room.

‘Yun ba ang walang relasyon?

* * *

Ang pelikulang Magkaibigan ay entry ng Maverick Films sa darating na Metro Manila Film Festival. Nilinaw ni direk Joey Reyes na hindi ito Rudy Fernandez story kundi tribute kay Daboy at sa pagkakaibigan nila ni Senator Jinggoy Estrada.

Maganda ang paliwanag ni Jinggoy tungkol sa sukatan ng tunay at tapat na pagkakaibigan.

“Twenty years na kaming magkaibigan ni Daboy at napatunayan ko ang loyalty nito sa pagdaan ng maraming taon. Hindi siya ang tipo ng taong kailangan lang ako dahil sikat ako o dahil nasa pwesto. Nawala man ako sa pwesto ay lagi ko siyang karamay sa hirap at ginhawa,” paglalarawan ni Jinggoy sa namatay na kaibigan.

“At sa 20 years namin bilang magkaibigan ay ne­ver pa kaming nag-away o nagkasamaan ng loob. Wala nang papantay sa kanyang kadakilaan at katapatan.”

Kaya naman hindi malilimutan ni Jinggoy si Daboy at habang siya’y nabubuhay.

Kumusta naman ang working relationship nina Christopher de Leon at ng senador?

“Matakaw si Jinggoy at laging may dalang pagkain sa set kaya nananaba ang lahat. He’s a good actor at napatunayan ko ito nang magkasama kami sa movie. Maganda ang batuhan namin at parang matagal na kaming magkaibigan. Masaya sa set at off-screen ay puro harutan at kainan ang ginagawa naming lahat,” sey ni Boyet.

Para kay Jinggoy, isang malaking karangalan na makasama niya si Christopher sa pelikulang Magkaibigan.

Baka makasungkit uli Sen. Jinggoy ng best actor award. Sinabi rin ng mga artistang bahagi ng pelikula na sa ganda ng istorya ay umaasa rin silang makakuha ng award for best picture.

* * *

Dumalo kami sa baby shower ni Angelika dela Cruz. Bagay sila ng asawang si Orion at proud ang expectant mother sa nalalapit nitong panganganak sa Abril. Gabriel ang magiging pangalan ng kanilang baby.

“Hindi ko naranasan ang morning sickness at lagi akong masaya. Magbi-breast feeding ako para makatiyak na magiging healthy ang aming baby,” masayang kwento ng aktres.

Sa kabilang banda, mas excited ang mommy ni Angelika dahil sabik na siyang magkaapo.

vuukle comment

ANGELIKA

DABOY

JINGGOY

JOEY REYES

MAGANDA

MAGKAIBIGAN

MAVERICK FILMS

METRO MANILA FILM FESTIVAL

RUDY FERNANDEZ

SENATOR JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with