Juday magpapa-dinner P10K per plate!
Tagumpay ang auction na in-organize ni Judy Ann Santos noong November 28, para makalikom ng pondo na gagamitin sa kampanya para makapasok ang Ploning sa Oscars. Susunod dito ang social ball sa December 3, sa Rockwell Tent na ang dinner plate ay worth P10,000 at ang menu ay ang actress mismo ang gagawa sa tulong ng Café Ysabel.
Sa December 8, lilipad na tungong Los Angeles si Judy Ann para tumulong sa great campaign of her career and life. Pero bago umalis, gagawa muna siya ng TV special para sa Ploning produced by ABS-CBN. Tila Ploning Goes to Hollywood ang working title nito bilang tulong pa rin sa pelikula na makasama sa Best Foreign Film entries sa Oscars.
* * *
Ang litrato ni Marvin Agustin agad ang hinanap namin sa poster ng Tanging Ina N’yong Lahat dahil sabi, pinayagan ng GMA Artist ang actor na gawin ang pelikula. Pero hindi rin pala ito natuloy sa pelikula at sabi ni direk Wenn Deramas, palalabasin na lang na sa ibang bansa na ito nanirahan kasama ang asawang si Kaye Abad.
Ang actor ang gumanap na eldest sa 12 children ni AiAi delas Alas sa naunang Tanging Ina.
Sa kaso ni Heart Evangelista na hindi na rin kasama sa Tanging Ina N’yong Lahat dahil wala na ito sa ABS-CBN, ikukuwento sa pelikula na nasa GMA ito, pero iba ang ibig sabihin ng GMA na malalaman lang ’pag pinanood ang movie.
Pinaaabangan din ni direk Wenn kung sino ang pumalit kay Kris Aquino na dapat may cameo role, pero nag-backout dahil ’di pumayag ang asawang si James Yap.
* * *
’Katuwa si Carlene Aguilar sa presscon ng Iskul Bukol…20 Years After dahil si Vic Sotto ang love interest sa movie, pero si Joey de Leon ang pinili na puwede niyang magustuhan kung nagkataong single. Ang rason nito’y baka may magalit kung si Vic ang kanyang pipiliin, kaya si Joey na lang para safe.
Inalam din namin kay Carlene kung totoong nag-“I love you” sa kanya si Phil Younghusband noong magkasama pa sila sa Celebrity Duets 2?
“Lasing lang siya noon nang tumawag para lang mag-‘I love you.’ Hindi ko pinansin dahil alam kong hindi seryoso, 4 a.m. ba naman tumawag. Ang mali ko, hindi ko agad nasabi sa kanyang manager at naunang masulat. Wala sa akin ’yon, but after that, nahiya ako at siya’y nailang at hindi na rin kami nag-usap,” paliwanag ni Carlene.
Masaya siya sa piling ng nobyong si Yo Ocampo na mabait sa anak niyang si Calix Andreas. Suportado nito ang pagpasok niya sa pelikula at natutuwang makasama niya ang TVJ.
* * *
Nag-text si Angeli Pangilinan-Valenciano para ibalitang successful ang concert ng asawang si Gary sa Dubai, pero four hours na-detain ang singer sa Dubai airport dahil nawala ang passport noong pasakay na sila papuntang Qatar. Na-release lang si Gary sa intervention ng US Embassy ng Qatar dahil sa pagiging UNICEF ambassador nito.
Dumiretso sila sa venue ng concert sa Qatar where 6,000 tickets were sold. Ayaw daw paalisin sa Dubai si Gary dahil wala ngang visa for Qatar. Strict pa naman daw ang Dubai sa ruling nilang kailangan ng visa ng US/Canadian citizens bago makalabas ng bansa.
After Qatar, sa Al Qurum Ampitheater sa Muscat, Oman ang concert ni Gary sa December 4, at sa Bahrain the next day. Sa mga nagre-request ng repeat ng Gary V. Live@25, pinag-aaralan na ito ng Genesis at hahanapan ng date dahil hectic ang schedule ng singer.
* * *
Bida si Sheena Halili dahil sa Luke and Charie episode ng Dear Friend this Sunday. Kasama niya sina Arthur Solinap as Luke, Nikki Dacullo as Misha and John Lopez as Eboy.
First acting role ito nina Nikki at John na parehong castaway ng Survivor Philippines, panoorin para makita kung may future sila sa acting.
Si Don Michael Perez ang director ng episode at hosts sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.
- Latest