^

PSN Showbiz

Marian rumampang nakasaklay

- Veronica R. Samio -

Makakahinga na ng maluwag ang mga tagahanga nina Dyesebel at Fredo dahil hindi totoo ang balitang papapagpahingahin muna ng kanilang Kapuso network ang kanilang loveteam.

Hanggang tenga ang ngiti ng magkapareha nang humarap sa entertainment media para sa thanks­giving party na magkasamang hinost ng Regal at GMA Films dahil sa tagumpay ng One True Love.

Pinabulaanan ng isang malapit sa GMA ang unang lumabas na balita na P1M lamang ang ipinasok na kita sa takilya ng pelikula sa first day showing nito. Matapos ang ilang araw na pagpapalabas nito, kumita na raw ang One True Love ng mahigit P50M, kaya nga may victory party.

Dumating sa party sina direk Mac Alejandre, Iza Calzado na nagdiriwang ng double victory dahil kumikita rin ang pelikulang Scaregivers nina Jose Manalo at Wally Bayola na kasama siya at Ding­dong Dantes. Nahuling dumating si Marian Rivera galing ng ospital na kung saan ay sinimento ang kan­yang kanang paa na na-fracture matapos siyang mata­pilok sa shooting ng Shake Rattle & Roll. Nagu­lat daw ito sa isang tikbalang na nakasama sa isang eksena. Dumating ito nang naka-wheelchair.

Apat na araw lamang ipapahinga ni Marian ang kanyang paa. Hindi niya puwedeng ilakad ito ng mas maaga dahil baka magtuloy ang pagkaputol ng isang ugat. Kaya sa mga huling araw ng shooting niya ng Desperadas at SRR 10, nakaupo siya sa mga eksena niya. O kung hindi man dadayain na lamang ito ng kanyang mga direktor.

Hindi rin puwedeng hindi matuloy ang concert nila ni Dingdong sa US. Kahit may diprensya siya, wala itong pagkapigil. Kahit kumanta siya nang naka-wheel chair at si Dingdong na lamang ang sasayaw.

Masaya ang magka-loveteam. Hindi nila puwe­deng i-deny na mayroon na ngang namamagitan sa kanila. Iba na ang kilos at tinginan nila. Isa pang source ng happiness nila ay ang bago nilang serye sa GMA na magsisimula sa Enero 2009, ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Kung nung una ay sinabi ni Marian na pagkatapos ng serye ito sila aamin si Dingdong, hindi na kailangang maghintay pa ng matagal ang kanilang fans, hindi na nila kailangang aminin ang isang bagay na obvious na.

* * *

Maggi-guest si Marri Nallos, ang Crystal Voice of Asia, sa Asian tour nina Bobby Kimball of Toto and Bruce Conte of the Tower of Power sa Nobyembre 22-30, may kick off sa Beijing tapos sa Bali at Jakarta, hanggang Singapore at Kuala Lumpur. The group is scheduled for a show at Aliw Theater on December 1.

Hindi nag-audition si Marri para sa tour, napanood lamang ni Bruce Conte ang show niya sa The Lounge of Hyatt Hotel.

vuukle comment

ALIW THEATER

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG

BOBBY KIMBALL OF TOTO AND BRUCE CONTE OF THE TOWER OF POWER

BRUCE CONTE

CRYSTAL VOICE OF ASIA

DUMATING

IZA CALZADO

JOSE MANALO

ONE TRUE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with