Mga komedyante ng Hollywood nasa TV5
Sa pagsapit ng Disyembre, bubulaga agad sa inyo ang isang linggo ng mga charming at nakakatawang pelikula sa 5MAX Movies ng TV5, kasama sina Nicole Kidman, Jessica Alba, Will Smith, Adam Sandler, Kate Hudson, at Owen Wilson na tiyak na kukumpleto at magpapasaya sa inyo gabi-gabi.
Bida sina Will Farrell at Nicole Kidman sa magical comedy film na Bewitched, palabas sa Lunes (Disyembre 1). Kukumbinsihin ni Jack Wyatt (Farrell) si Isabel (Kidman) na maging artista sa adaptation ng isang TV series kung saan aarte si Isabel bilang isang witch—na lingid sa kaalaman ni Jack ay isa nga talagang witch si Isabel!
Sa Miyerkules (Disyembre 3), samahan ang dalawang seksing sina Paul Walker at Jessica Alba sa paglangoy at pagsisid sa pelikulang Into the Blue. Makisayaw naman at maki-breakdancing sa Huwebes (Diyembre 4) sa hip-hop urban drama ng pelikulang You Got Served.
Kiligin at matawa naman sa Biyernes (Disyembre 5) dahil paiibigin kayo ni Will Smith bilang ang sikat na “date doctor” sa pelikulang Hitch. Siya ang tinaguriang professional bachelor, ngunit mahahanap niya ang kanyang katapat sa katauhan ni Sara, played by Eva Mendes.
Sa Sabado naman (Disyembre 6), matawa sa mga kapalpakan ni Dupree (Matt Dillon) habang kinukulit niya ang newly-weds na sina Owen Wilson at Kate Hudson sa pelikulang You, Me, and Dupree.
Maiihi naman kayo sa kakatawa sa heartwarming comedy na Big Daddy, palabas sa Linggo (Disyembre 7) starring Adam Sandler. Kaka-break lang ni Sonny (Sandler) sa kanyang girlfriend dahil sa kanyang pagiging iresponsable, ngunit mag-iiba ang lahat nang makilala at maalagaan niya ang 5-year old na anak ng kanyang bestfriend na kyut ngunit ubod ng kakulitan at kalokohan!
Panoorin ang mga hip at nakakatawang pelikulang ito sa 5MAX Movies, 9 p.m. sa TV5.
- Latest