Bagong star ng DZMM dumating na
Ang comedy bar performer na si Niño Tolentino ang tinanghal na Ultimate Laugh Out Loud! (U-LOL) winner sa grand finals ng LOL! – ang una at nag-iisang stand-up comedian search sa radyo, noong nakaraang Lingo (Nob 23).
Natalo ni Niño ang mga kalabang sina Alex Calleja at Jonathan Orono sa kanyang nakakaaliw na panggagaya kay Vilma Santos at pakikipagsabayan sa komedyanteng si Ahwel Paz.
Kabilang sa mga naging hurado ang direktor na si Bert de Leon at ang aktor na si Smokey Manaloto. Inuwi ni Niño ang premyong P100,000, tropeo at isang kontrata sa DZMM. Ang LOL! ay pinalalabas tuwing Linggo ng 1:00 pm sa DZMM TeleRadyo.
- Latest