Sam nagpakitang-gilas sa action
Ang Cinemabuhay ang magri-release ng kauna-unahang indie film project ni Sam Milby, pinamagatang Cul-de-Sac (Dead End), para sa PLDT-Smart Foundation.
Ang isang milyong piso na premyo ng napiling direktor na si Juan Miguel Sevilla ay galing sa foundation na pinamumunuan nina Butch Meily, presidente, at Albert Martinez, executive editor ng film fund. Ito ang ginamit ng baguhang direktor na masscom graduate sa Ateneo para maisakatuparan ang kanyang proyekto na napiling pondohan mula sa 37 kalahok sa contest ng Cinemabuhay.
Ang Cul-de-Sac ay kuwento ng bidang lalaki na parang nasukol na sa dulo o dead end at akala nito’y wala nang lulusutan pero ang maaari niya palang gawin ay bumalik o mag-U-turn lang.
Ito ang unang action film ni Sam Milby at makakasama niya sina Jodi Santamaria-Lacson at Chin Chin Gutierrez. Ang setting ay sa isang Manila call center.
Ayon sa 23 anyos na si Juan Miguel, na nagkaroon na ng ilang music video projects mula sa Kjwan, MYMP at Chicosci, magaling daw si Sam bilang aktor at tumulong pa raw ito sa konsepto niya.
“On our first shooting day, he seems even more excited than me. He gave me inputs with regards to the story. So I became a little more relaxed,” sabi ng mestisong direktor.
Dagdag pa niya na madaling turuan ang singer-actor at madaling makasama sa trabaho. Alam ni Sam na ang karakter na gagampanan niya sa Cul-de-Sac ay iba sa palagiang nakikita sa kanya.
“It was in the script that he’d appear deglamorized for the role,” sabi pa ni Juan Miguel.
- Latest