^

PSN Showbiz

Oyo at Kristine sabay mag-aaral sa UP!

- Veronica R. Samio -

Kung dati ay parang isang anino lamang si Oyo Sotto ng kanyang amang si Vic Sotto, sa kanyang looks ngayon na guwapong-guwapo sa kanyang bagong hairstyle, malamang pag-agawan siya ng mga producer at gawing bida sa kanilang mga pelikula. Yes, ang pagkakaroon ni Oyo ng buhok ay nagbigay lambot sa kanyang personalidad, hindi na siya mukhang kontrabida ngayon. Leading man material na siya. His new look seems to lighten his complexion kung kaya marami ang nag-akala na gumagamit na siya ng mga whitening agents na usung-uso ngayon.

“Wala akong ginagamit na pampaputi. Pumuti lang siguro ako dahil hindi na ako masyadong lumalabas ngayon, palagi lang ako sa bahay, di gaya noon na palagi akong gumigimik,” paliwanag niya.

Muli, pinangatawanan ng batang Sotto na mag­kaibigan pa lamang sila ni Kristine Hermosa, wala pang namamagitan sa kanila bukod sa friendship.

“Hindi totoong umamin kami ni Kristine na meron na kaming relasyon. Nagsisi­nungaling lamang ang nagsabi nito. Totoo na lumalabas kami pero hindi pa kami. Sinabi na rin ni Kristine na wala na sila ni Diether (Ocampo), kaya wala kaming naaagrabyado sa aming paglabas,” dagdag pa niya.

Nasa cast si Oyo ng Iskul Bukol…20 Years After na pang-MMFFP ng Octo-Arts, M-Zet at APT. Ginagampanan niya ang role ng anak ni Vic Ungasis (Vic Sotto), ang nerd ng Wambol University na palaging biktima ng kapilyuhan ng Escalera Brothers (Tito Sotto, Joey de Leon). Kapareha niya rito si Krista Ranillo. Bakit si Krista at hindi si Kristine na ilang taon na ring leading lady sa Enteng Kabisote?

“Ipinapahinga muna si Enteng at gusto ng mga producer ang bagong istorya. Eh associated si Kristine sa Enteng…” paliwanag na naman niya.

Habang walang project, nag-decide si Oyo na mag-enrol sa UP Open University, sa kursong Associate in Arts. Pareho sila ng kurso ni Kristine.

“Nahatak lang ako ni Kristine. Siya yung talagang papasok pero, kumuha na rin ako ng exams, sabay kami, pareho rin kaming nakapasa kaya start na kami ngayong November,” imporma niya.

Hindi lamang si Oyo ang second generation actors na kasama sa Iskul Bukol, gumaganap din na mga anak nina Tito Sotto at Joey de Leon sa sikat na TV sitcom na ginawang movie ang mga anak nilang sina Gian Sotto at Keempee de Leon. Ninety five percent na nasa cast nun ng sitcom ang kasama rin sa movie ngayon (Mely Tagasa, Bibeth Orteza, Jimmy Santos, Ritchie D’Horsie, Anthony Roquel, atbp.) at ang mga karagdagan sa cast na sina Ryan Agoncillo, Robert Villar, Jr., Carlene Aguilar, Francine Prieto, Pauleen Luna, Nicole Uysieng at si Sharon Cuneta na gaganap ng role ng pinaka­batang Escalera sa direksyon ni Tony Y. Reyes.

* * *

Next year pa pala masusundan ang Kahit Isang Saglit ng Malaysian actress na si Carmen Soo kaya bumalik ito ng kanyang bansa na kung saan mara­ming naghihintay na trabaho sa kanya. Pero, bu­malik ito ng ‘Pinas para maging pinaka-bagong endorser ng Petit Monde.

Maganda ang banyagang aktres. Sayang at hindi ito naka-capture ng telebis­yon. Maganda ring magdala ng damit, bagay sa kanya ang mga ipina­susuot ng Petit Monde. Hindi siya nagpahuli sa mga kilala nang endorser ng nasa­bing line of apparel tulad nina Anne Curtis at Ana Roces nun, at nina Sunshine Cruz, Cheska Garcia at Jodi  Santamaria-Lacson ngayon.

* * *

Maganda yung ginawang pagkuha ng mag-asawang Drs. Manny at Pie Calayan kina Celia Rodriguez, Gina Pareño at Dexter Doria para mag-endorse ng kanilang mga whitening at anti-ageing products. Mas maraming nagkaka-ead nang babae ang interesadong magmukhang bata at sila yung may kakayahang bumili. Marami kasing mga dermatologists and dermatological products ang tumatarget lamang sa mga kabataan, the couple was wise enough to incude in their clientelle, ‘yung mga nagkakaedad na.

Boy Abunda is another new endorser of the Calayan couple, ganundin sila Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales, John Prats at Victor Basa na ipinakilala sa media sa isang bonggang launching na ginanap sa isang 5-star hotel sa Makati.

* * *

Inihahandog ng M.R. Productions at ng Philippine Movie Pres Club (PMPC), Inc., sa pakikipagtulungan ng Airtime Marketing, Inc. ang 22nd PMPC Star Awards for Television!

Gaganapin ang bongga at star-studded TV awards night ng PMPC ngayong Linggo, Nob. 30, 6NG sa Function Rooms 1 and 2 ng SMX Convention Center, Pasay City (malapit sa SM Mall of Asia).

Hosts sa gabi ng parangal sina Gabby Concepcion, Anne Curtis, Paolo Bediones, at Judy Ann Santos. Trivia hosts sina Dingdong Dantes at Iza Calzado. Ang tema ng trivia ay Missing In Action: Living Legends We Miss on Pinoy TV.

Si Bb. Rosa Rosal ang napili ng PMPC na gawaran ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award para sa kanyang mga natatanging kontribusyon sa telebisyon at public service.

Si Sen. Loren Legarda naman ang recipient ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award para sa kanyang naging mayamang karanasan sa larangan ng broadcasting.

Ang 22nd PMPC Star Awards for Television ay mapapanood sa Dis. 2, Martes, 8-11NG sa TV5 network, mula sa direksiyon ni Al Quinn. 

ANNE CURTIS

ISKUL BUKOL

KRISTINE

MAGANDA

OYO

PETIT MONDE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with