^

PSN Showbiz

Comeback movie ni Ate Vi tuloy na! Bea ipinalit ni Sam kay Anne

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ngayong araw finally ay matutuloy na ang pag­pirma ng kontrata ni Gov. Vilma Santos sa Star Ci­ne­ma. Matagal-tagal nang hinihintay ang nasabing contract signing dahil ilang beses na itong naudlot. Pelikula kasama ang anak niyang si Luis at John Lloyd Cruz ang magiging comeback movie ni Gov. Vi na matagal ding naging abala sa pulitika kaya hindi tumanggap ng pelikula.

Huling pelikula pa ng Star For All Seasons ang Dekada ‘70, ilang taon na ang nakaraan.

Siguradong magdiriwang ang mga Vilmanians sa pagbabalik ni Gov. Vi sa pelikula. A Mother’s Story ang working title at si Olive Lamasan ang direktor.

Any moment ay magsisimula ang shooting ng A Mother’s Story.

Samantala, bukas, Huwebes na naka-schedule ang first day shooting nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz para sa sequel ng A Very Special Love. Working title nito ang You Change My Life at si Direk Cathy Molina-Garcia pa rin ang magdi-direk sa pop superstar at John Lloyd na umabot sa halos P200 million ang kinita nang naunang ginawa nila.

Uy, malamang may mabuong something sa pagitan nina Sam Milby at Bea Alonzo na parehong loveless dahil sakto sa pasok ng Pasko ang pagsisimula ng shooting ng pagsasamahan nilang pelikula for the first time, ang And I Love You So... na ididirek ni Lauren Dyogi. Yup, si Sam kahit sabihing ‘mahal’ pa si Anne Curtis ay siguradong madaling mada-divert ang attention kay Bea kung parati silang magkasama - lalo na nga’t malamig ang paligid dahil Pasko - sa shooting ng pelikula sa Star Cinema. First time nilang magkakasama kaya siguradong mai-excite sila sa isa’t isa.

‘Yung tungkol sa movie nina ex-President Joseph Estrada at AiAi delas Alas, hindi pa naman daw official na hindi na matutuloy pero marami raw na-encounter na logistic problems kaya for the meantime, hold muna talaga ito. Pero nang may mag-attempt na tanungin si Erap tungkol sa project, hindi ito nagpa-interview.

At least, sigurado na ang apat na pelikula sa susunod na taon ng Star Cinema.

Sana nga, hindi lang Star Cinema ang mag-produce ng mga higanteng pelikula.

Ang GMA Films, movie nina KC Concepcion at Richard Gutierrez ang isa sa mga gagawin next year.

Ang Regal din, ayon kay Mother Lily Monteverde, maraming gagawing pelikula. Pero concen­trated daw muna siya sa Desperadas 2. Na-excite daw kasi siya sa character ni Ogie Alcasid na naging plus factor sa nasabing pelikula na isa sa kasali sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).

* * *

Sa kabila ng maraming kritisismo sa pamumuno ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman at grand champion sa season 2 ng Celebrity Duets Bayani Fernando, walang mangyayaring pagbabago sa sistema ng awards night ng Metro Manila Film Festival. May concert pa rin right after the awards night para kumita pa ng mas malaki ang MMFF na sabi ni BF ay ang mga organisasyon sa industriya naman ang nakikinabang. Ganito ang sistema noong nakaraang taon na ipino-protesta ng marami.

Unsystematic daw ang nangyaring concert ni Lani Misalucha last year dahil may mga nagalit na bumili ng tiket sa concert na hindi naman nakapanood ng maayos. Ang nangyari raw kasi noon, hindi na nakaupo ang mga nagbayad ng tiket dahil hindi nagsialisan ang mga nanood ng awards night na hindi nagbayad sa entrance. So ‘yung mga gumastos, naimbyerna dahil wala silang maupuan eh di naman daw mapalayas ang mga dating nakaupo na.

But anyway, kahit may mga ganung problema, hindi na ‘yun inisip ni BF dahil ang importante raw naman sa ginagawa nila ay ang kumita ang MMFF.

Baka naman hindi ito alam ni BF?

Anyway, pakiramdam ng MMDA chair, sumikat siya simula nang manalo siya sa Celebrity Duets. Kahit daw kasi saan ngayon pumunta, aba, tinatawag na siyang BF.

* * *

Imbes na bumili kayo ng mga pirated na CDs and DVDs, bakit hindi na lang kayo pumunta sa CD_DVD Rollback sale sa Universal Tower na nasa-ika third week na.

May mga bagong titles lahat ng musical genre - pop, classical, R&B, indie, OPM and jazz na nagsisimula sa halagang P5, P10, P20 hanggang P150 lang.

Aabot sa 90% ang discount sa lahat ng items kaya naka­kaaliw mamili.

Kesa rumampa kayo sa mga lugar na talamak ang tindang pirata, punta na lang kayo sa Universal Towers (Quezon Ave., Quezon City) ngayong weekend. Bukas ito mula 10:00 a.m. hanggang 7:00 p.m.

A MOTHER

A VERY SPECIAL LOVE

ANG REGAL

ANNE CURTIS

JOHN LLOYD CRUZ

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PELIKULA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with