Young Actress na ayaw pahalik 'pinatay'
Matutuloy na ang pelikula ni Batangas Governor Vilma Santos, dahil ngayong araw pipirma na siya ng kontrata sa Star Cinema. Ito yung pelikulang may anak siyang bading at makakasama niya ang anak na si Luis Manzano at John Lloyd Cruz.
Nakuwento na ni Vilma dati na sisimulan this year ang shooting ng movie, pero next year pa ang showing at may mga eksena silang kukunan sa Amerika. Matagal nang hinihintay ng mga fans ng actress-politician ang pagbabalik-pelikula niya at mukhang matutuloy na.
Ngayong araw ding ito pipirma ng kontrata si Lorna Tolentino sa ABS-CBN at Star Cinema at isusunod agad ang pagpi-pitch in ng story ng soap na gagawin nila ni Gabby Concepcion at isa kina Albert Martinez at Christopher de Leon.
* * *
Tsugi sa isang youth-oriented show ang nag-iinarteng young actress dahil ayaw pahalik at sabi ng manager nito, too young to be kissed kahit cinematic kiss lang ang gagawin at importante sa istorya.
Ang hindi alam ng manager, off-cam nakikipag-lampungan naman ang kanyang alaga sa mga male co-stars nito.
Para hindi na mamroblema sa mga susunod na episodes, nag-decide ang staff ng show na patayin ang character ng young actress. Magugulat ito dahil hindi pa sinasabi sa kanya at sa kanyang manager na up to two episodes na lang siya sa show at pasasagasaan na siya ng bus.
Sayang dahil ito lang ang regular show ng young actress at mawawala pa siya.
* * *
Matutuwa nito si SVP for TV Entertainment of GMA 7 na si Ms. Wilma Galvante dahil pumalo sa 40.2 percent ang ratings ng Luna Mystika sa Monday episode nito. Target rating ito ni Ms. Wilma sa pilot episode ng fantasy-drama nina Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez at kahit late na, naabot pa rin. Hopefully, magtuluy-tuloy ang mataas nitong ratings.
Inabangan ng viewers ang paglaki nina Heart at Mark Anthony at ibig sabihin, hindi nakasira sa publicity ang pag-amin ng actress na may boyfriend na siya at hindi rin totoong pinagalitan siya ng GMA 7.
* * *
Si Francis Magalona mismo ang nagbuking ng name ng boyfriend ng anak na si Maxene Magalona nang isulat sa kanyang blog na kasamang nag-aalaga sa kanya ang BF ng anak na si Rowell. Dati, ni pangalan ng nobyo ayaw sabihin ng dalagang anak, kaso binuking ng ama. Hahaha!
Nagpapasalamat si Maxene sa BF dahil naiintindihan na kailangan sa role niya sa Una Kang Naging Akin ang love scene at kissing scenes nila ni Wendell Ramos.
Love na love raw ni Francis ang BF niya na tapos ng culinary arts at nag-apply na chef sa Shangri-La Mactan sa Cebu.
Hindi takot si Maxene na magkakahiwalay sila, dahil faithful ito sa kanya.
Touching ang sinabi ni Maxene na sana, may kasunod siyang project dahil kailangan niyang magtrabaho at may sakit nga ang ama.
Ibinalita rin ni Maxene na maganda ang song na collaboration nina Francis at Ely Buendia na kasama sa gagawing album ng dalawa. Proud sa ama ang actress dahil gagawin nito ang album na ang kikitain ay mapupunta sa mga musicians na may mga sakit din.
* * *
Sa episode na Are You Smarter than Your Moms sa Moms, aalamin kung bakit mas matatalino ang mga bata ngayon. Dahil kaya ito sa kinakain, sa iniinom o may iba pang factors na dapat malaman?
Guests sina Yna Asistio, Mara Lopez at Jowee Ann Marquez sa Moms na napapanood sa Q-11, 5 p.m., Monday to Friday.
- Latest