Cheska ayaw pag-usapan si Jennylyn
May nagtangkang magtanong kay Cheska Garcia sa launch ni Carmen Soo bilang endorser ng Petit Monde tungkol kay Jennylyn Mercado pero sinabi niyang ayaw niyang pag-usapan ang aktres. Ganundin si Sunshine Cruz na umiwas din sa topic tungkol sa marriage nila ni Cesar Montano sa pamamagitan ng pagsasabing “Nagbago na ako.”
Pinagbubuhusan ng panahon ngayon ni Sunshine ang kanyang pamilya. Maging ang offer para maging kinatawan siya sa Mrs. World ay kanyang tinanggihan dahil mas prority niya ang pag-aayos ng buhay niya. Pero, okay na raw sila ng asawa niya.
Tulad ni Cheska na 13 years nang nagi-endorse ng Petit Monde napakatagal na ring endorser ni Sunshine. Sixteen years old lamang siya nang magsimulang mag-endorse nito, ngayon ay 31 years old na siya.
* * *
Hindi lamang pala sa pagiging commissioner ng Immigration gumagawa ng magandang trabaho ang kongresista mula sa Leyte na si Nonoy Libanan. Maging sa daigdig ng musika ay nakikilala na rin ang kanyang henyo sa gitara.
Galing na galing sa pagtugtog niya ng gitara ang friend kong si Vero Samio na isang guitar person. Ikinahahanga niya na hindi ito bumabasa ng nota, walang formal training sa musika pero magaling kumalabit ng gitara.
Ginagawa nitong pangtanggal ng stress ang kanyang pagigitara. Tumutugtog ito pagkagaling sa trabaho at maniwala kayo, ang dami niyang nari-release na energy na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon para maging mas masipag sa kanyang trabaho kinabukasan.
Nakakaapat na konsyerto na ang Bureau of Immigration commissioner at lahat nito ay nabiyayaan ang charity. Baka gumawa siyang muli sa Enero 2009 kasama sina Sec. Gabby Claudio at ang kakambal nitong si Dr. Rafael Claudio. Magagaling ding musikero ang magkapatid.
Nung una ayaw ipaalam ni commissioner ang kanyang talino sa gitara sa kanyang mga kapwa pulitiko. Natatakot siyang imbitahan nila siya at mapabayaan niya ang kanyang trabaho. Hanggang isang araw ay hindi niya naiwasang tumugtog at marinig nila siya.
Ngayon, magkakaroon pa siya ng parangal mula sa Aliw Awards bilang isang certified musician. Bukod sa gagawing ikalawang album, meron din siyang inihahandang concert sa December 6. O ’di ba, mahusay nang public servant, isa pa ring mahusay na artist. Congrats, commissioner!
* * *
Humahanga ako sa sipag ni Judy Ann Santos para lamang mapili ang kanyang pelikulang Ploning para maging finalist sa nalalapit na Oscars. Karangalan nga naman ng bansa kung ma-nominate ito kaya panay ang kayod niya para makalikom ng pondo para makapunta ng US at maikampanya ang pelikula dun.
Limang milyon yata ang kailangan niyang malikom. Good luck, Juday!
* * *
Good luck din sa banyagang singer na si Mann na naririto sa bansa para ibahagi sa atin ang kanyang musika. Hindi lamang pagbabahagi ang gusto niya kundi makatulong para maibsan ang problema ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga awitin na nakapaloob sa isang album na pinamagatang Love & Heart.
- Latest