^

PSN Showbiz

TV man hindi ididemanda ng misis na nabugbog

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nakita namin ang magandang misis ng isang TV executive at hindi pa masyadong magaling ang ilong na naapektuhan nang bugbugin siya ng asawa. Suwerte ang bugbugerong TV man dahil mukhang hindi na itutuloy ng asawa niya ang pagdedemanda sa kanya dahil iniisip ang kanilang mga anak.

Na-trauma ang eldest child ng mag-asawa dahil nakita nang bugbugin ng ama ang kanyang ina at iniiwasan ng ina nito ang dagdag na trauma sa bata ’pag idinemanda pa niya ang asawa. May babae raw ang TV man at dinala pa sa bahay nila at nang sitahin ng asawa, ito pa ang nagalit at umabot nga sa bugbugan.

Na-interview na namin ang TV man na ito at hindi namin akalaing sa maamo niyang mukha ay wife-beater pala siya. Pasalamat siya na mabait ang kanyang misis at in-laws dahil kung hindi, nakademanda na siya at siguradong makukulong.

* * *

Nakasalubong namin si Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN compound at ibinalitang nagpapagaling na sa bahay nila ang inang si Annabelle Rama. Bumili ng hospital bed ang ina, inilagay sa lanai ng bahay nila at doon ito natutulog habang nagpapagaling ng operasyon.

Mukhang tuwang-tuwa si Ruffa na bawal magalit ang ina at hindi gaanong nagsasalita at kung minsan, isinusulat na lang ang gustong sabihin sa kanila. Gaya ni Richard Gutierrez, masaya ang TV host-actress na nalampasan ng kanyang magulang ang health crisis na kanilang pinagdaanan.

Samantala, sabi ni Ruffa mas masaya ang shooting nila ng Desperadas 2 dahil nakikipagkuwentuhan na sa kanila nina Rufa Mae Quinto at Iza Calzado si Marian Rivera. Kinakitaan niya ng confidence ang huli na wala noong ginagawa nila ang Desperadas 1. Dagdag na saya sa shooting ang pagpasok ni Ogie Alcasid as their long-lost half-sister. Sobrang nakakatawa raw ang mga eksena nilang lima.

Pinag-react si Ruffa sa sinabi nina Gretchen Barretto at AiAi delas Alas na between her and Kris Aquino, mas maganda siyang manamit ’pag magkasama sila sa The Buzz.

“Wow! Touched naman ako. At least pinapanood nila ako. To each her own opinion lang naman ’yan.

Thank you sa mga designers ko who lend me and give me their clothes, nasu-showcase ko ang creation nila at ’di na ako bumibili ng damit, mahirap ang buhay ngayon, kaya ang mga damit ko sa sponsors na lang at thank you na nagugustuhan pa rin nila,” sabi nito.

* * *

Nagbabalik-pelikula si Maricel Laxa sa Magkaibigan, entry ng Maverick Films sa Metro Manila Film Festival as the wife of Sen. Jinggoy Estrada. Masaya itong mapasama sa movie about friendship at naalaala nitong sa anak niyang si Ella Pangilinan niya unang ibinalitang gagawa siya uli ng pelikula after 10 years. Tuwang-tuwa raw ang bagets at sinabing “Oh, mama you’re back. I’m so happy for you.”

Kaya kahit nanibago, masaya siyang nagre-report sa shooting lalo’t kaibigan niya ang buong cast at kumpare niya si direk Joey Reyes.

Naka-relate si Maricel sa istorya ng pelikula kasi dumaan din sila ni Anthony Pangilinan sa matinding problema nang i-open surgery ang anak nilang si Benjamin Pangilinan na four years old lang that time. Sa Diyos lang daw sila nagtiwala.

ANNABELLE RAMA

ANTHONY PANGILINAN

BENJAMIN PANGILINAN

DESPERADAS

ELLA PANGILINAN

GRETCHEN BARRETTO

IZA CALZADO

JINGGOY ESTRADA

NILA

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with