^

PSN Showbiz

ABS-CBN wagi ng Quill awards

-

Limang parangal para sa natatanging PR at corporate communications programs ang nakuha ng ABS-CBN sa katatapos lamang na Philippine Quill Awards.

Iginawad ng International Association of Business Communicators (IABC), ang nangungunang interna­tional group pagdating sa communications practice, ang Award of Excellence sa employee communi­cations program na Kapamilya Services kung saan pinabilis ang proseso ng pagkuha ng mga dokumento sa NSO at passport para sa mge empleyado ng ABS-CBN.

Awards of Merit naman ang ibinigay sa isinaga­wang PR campaign para sa Deal or No Deal Around the World- Philippines kung saan kinilala ang husay ng ABS-CBN sa paggawa ng game shows na siyang iki­narangal ng mga Pinoy worldwide, special event na nagbigay pugay sa King of Comedy, ang Dolphy at 80, employee newsletter na E-Frequency, at advo­cacy program ng ABS-CBN Foundation, Inc. na E-TV.

Ang ABS-CBN ang tanging broadcasting network na nakatanggap ng excellence award mula sa prestihi­yosong award-giving body.

Ang Philippine Quill Awards, na inorganisa ng IABC, ay kumikilala sa pinakanamumukod tanging mga programang pangkomunikasyon sa bansa at ngayo’y nagsi­silbing batayan ng pinakamahuhusay sa industriya.

Noong nakaraang taon, anim ang nakuhang parangal ng ABS-CBN.

ANG PHILIPPINE QUILL AWARDS

AWARD OF EXCELLENCE

AWARDS OF MERIT

CBN

INTERNATIONAL ASSOCIATION OF BUSINESS COMMUNICATORS

KAPAMILYA SERVICES

KING OF COMEDY

NO DEAL AROUND THE WORLD

PHILIPPINE QUILL AWARDS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with