Dingdong mahigit isang milyon ang pinamigay
Win ako ng mamahaling relo sa maaga ang Pasko party ni Dingdong Dantes. Malinaw na malinaw na nanalo ako ng walang involved na scam.
Everybody happy sa Christmas party ni Dingdong noong Sabado sa Imperial Palace Suites ni Mother Lily Monteverde. Eat all you can ang drama with matching goodies, courtesy ng mga may-ari ng produkto na ini-endorso ni Dingdong.
Suplado ang ilang mga reporter ‘ha? Hindi nila type na manalo ng big items dahil mahihirapan sila sa pag-uwi. Kung sino ang ayaw mag-win ng mga malalaking item, sila ang nanalo!
* * *
Ikinaloka ng mga reporter ang pagpasok ng mga waiter na may mga bitbit na mobile cellphone.
Give ni Dingdong ng cellphone ang lahat ng mga reporter. Effective ang drama. Nagkagulo ang mga reporter. Na-excite sila sa eksena na bumulaga sa kanila.
Mahirap nang mapantayan ang Christmas party ni Dingdong. Walang naka-feel na may global crisis dahil sa dami ng raffle prizes na ipinamigay ni Dingdong.
Ibang klase ang energy ni Dingdong. Wala siyang kapaguran. Siya na ang emcee ng program, siya pa ang bumubunot at tumatawag sa pangalan ng mga nag-win. Kapag babae ang nananalo, si Dingdong pa ang nagbubuhat ng mabibigat na raffle prizes kaya lalo siyang minahal ng press.
* * *
Type ko ang trivia contest tungkol kay Dingdong. Bilib ako sa mga reporter dahil alam nila ang showbiz history ni Dingdong.
Kung hindi pa nagkaroon ng trivia contest, hindi ko malalaman na may TV commercial noon si Dingdong. Siya ang commercial model ng Carnation Milk. Umapir din siya sa 5th episode ng Shake, Rattle & Roll pero maigsi lamang ang kanyang papel.
Pang-showbiz talaga si Dingdong. Hindi nga siya nag-umpisa bilang child star, nagsimula naman siya bilang child commercial model.
* * *
Sa tingin ko, lampas sa isang milyong piso ang halaga ng raffle prizes ni Dingdong. Bumaha ng mga refrigerator at TV set. Kung 80 ang bilang ng invited reporters, 80 rin ang mga cellphone na kanyang ipinamigay.
Tumagal ng anim na oras ang party. Midnight na nang makauwi ako sa bahay dahil nakipagtsikahan portion pa ako kay Mother Lily. Tapos na ang party nang dumating si Mother. Ayaw pa nga niya na umakyat dahil hindi raw siya nakaayos. Nahihiya siya na humarap kay Dingdong.
* * *
Nakita ko ang sincerity sa mukha ni Dingdong. Siya ang tuwang-tuwa sa happy faces ng mga reporter na nag-win sa raffle draw. At dinaig pa niya ako ‘ha? Mas maraming kilalang reporter si Dingdong sa akin. May mga reporter na hindi pamilyar sa akin pero knows ni Dingdong. Bongga ang kanyang memory!
Type ko ang loot bags na ipinamigay niya. Sari-saring products ang laman ng loot bag kaya super thankful si Dingdong. Nagpapasalamat siya sa Touch Mobile, Bench, Ponds, MyPhone, Gran Matador, Mario D’Boro, Human at Medicol.
- Latest