Kagagahan ni Riza napakinabangan ni Cristine
Tuluyan na yata talagang mawawalan ng career si Riza Santos dahil sa inis sa kanyang pagiging unprofessional. Kaya ayun, iba ang nakikinabang sa dapat sana’y career niya ang natutulungan. Yup, pagkatapos ng mahaba-habang panahon ng paghahanap ng bagong celebrity endorser bilang kapalit ni Riza, finally ay nakapili na ang apparel brand na Mint ng kanilang bagong image model na si Cristine Reyes (na tulad ni Riza ay Viva Artists Agency (VAA) talent din).
Confident ang Mint na madadala ni Cristine ang kanilang brand into a greater heights dahil na rin sa magagandang exposures na nakukuha ngayon ng bagong Kapamilya star sa mga shows nito sa ABS-CBN. Maliban sa teleseryeng Kahit Isang Saglit, kasama sina Jericho Rosales at Carmen Soo, ay mapapanood din si Cristine sa gag show na Banana Split.
Hindi pa man natatapos sa ere ang Kahit Isang Saglit ay abala na si Cristine sa taping ng pagbibidahan niyang soap na Eva Fonda na nakatakdang ipalabas sa unang bahagi ng 2009 contrary sa naglalabasang isyu na hindi na ito matutuloy.
Nasa planning stage na rin ang mga pelikulang gagawin niya para sa Viva Films at Star Cinema.
Umaasa na rin ang Mint na this time ay maging maayos ang relationship nila sa kanilang image model dahil na-trauma nga sila kay Riza.
Balita kasing hindi natuwa ang nasabing brand sa ex-beauty queen dahil hindi nito ginawa ang mga responsibilidad bilang endorser. Kaya naman hindi pa man natatapos ang isang taong kontrata ni Riza ay humanap na sila ng kapalit.
Sa kabilang banda ay super happy naman si Cristine dahil siya ang napiling mag-represent ng naturang brand na nasa lahat ng SM Malls at piling Robinsons Malls nationwide.
- Latest