Kris Lawrence pinatira sa kanilang bahay ng 3 araw: Katrina gusto nang mabuntis
Biglang lumaki ang tiyan ni Angelika dela Cruz na almost five months pregnant, kaya ang mga eksena nila ngayon sa Una Kang Naging Akin, kundi long shot, may nakatakip sa kanyang tiyan.
Hanggang January 31, 2009 pa ang Lalola, kaya ang gagawin sa character niyang si Sabrina ay magbubuntis, may rason nga naman sa paglaki ng kanyang tiyan.
Ang problema’y ang UKNA dahil ang character niyang si Vanessa ay ‘di puwedeng magbuntis, kaya kung anu-anong pagtatakip sa tiyan ang kanyang gagawin.
Sa March 24, ang due ni Angelika ng baby boy at Gabriel ang napili nilang pangalan at sa November 27 ang baby shower niya sa Punchline. Bigay ng UKNA ang three-in-one stroller at double breastfeeding pump ang gift ng Lalola at desidido na ang aktres na mag-breastfeed.
* * *
“Masaya” ang sagot ni Gerald Anderson sa tanong kung how is it working with GMA-7 talents na kasama nila ni Kim Chiu sa Class Picture episode ng Shake, Rattle & Roll X. “Sinasabing may conflict ang talents ng ABS-CBN at GMA, pero sa amin wala, ‘di uso ang network war, basta nagtatrabaho lang kami,” patuloy ni Gerald.
Isa pang ikinagusto ni Gerald sa pelikula ng Regal ay ang late call, as in 12 noon sila nagsisimulang mag-shooting at maagang natatapos si direk Topel Lee. Wala raw pressure magdirek ang director at very cool pa. Nag-promise sila ni Kim na sasama sa Parade of Stars sa December 24, at dadalo sa awards night.
Ibinalita pala ni ni Gerald na malapit nang matapos ang ipinatatayong two-storey-three bedroom house sa may Commonwealth. Katas ng showbiz ang ginagastos niya sa bahay na kapag natapos, si Kim ang una niyang dadalhin.
Sinimulan na rin nila ang taping ng Tayong Dalawa kasama sina Jake Cuenca at Alessandra de Rossi at istorya ng magkapatid na laging nag-aaway.
* * *
Dahil walang iniingatang loveteam, libre si Katrina Halili na pag-usapan ang boyfriend niyang si Kris Lawrence sa presscon ng One Night Only. Sa Gagambino naman, sa harap ng kamera lang sila may relasyon ni Dennis Trillo at tinawanan lang ang comment ng actor na sobra siyang maganda para maging sila.
Ipinakilala na ni Katrina si Kris sa kanyang pamilya nang isama ang boyfriend sa Palawan at mula October 31, hanggang November 3, sila ru’n. Sa bahay nila tumuloy si Kris at hiwalay sila ng kuwarto. Siya ay hindi pa naipakilala sa parents ng BF dahil nang nasa Amerika sila, wala pa silang relasyon noon.
Ito palang si Katrina ay idol si Jennylyn Mercado, hindi dahil maagang nagka-baby ang kumare, kundi dahil sexy pa rin kahit nanganak na.
“Gusto ko ‘pag nanganak ako, ganu’n ako ka-sexy. Puwede na akong mag-baby ngayon kung magiging kasing sexy ako ni Jen. ‘Kakainggit siya, nagbuntis at nanganak, sexy pa rin.”
Magkasama sila ni Jennylyn sa One Night Only, entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival sa script at direction ni Joey Reyes. Sex-comedy ito kaya, aliw!
* * *
Replay ng Amy and Noel episode nina Jennica Garcia at Mart Escudero ang mapapanood sa Dear Friend mamaya. Tungkol sa teen pregnancy ang episode at kung paano hinarap ng mga bagets na sina Amy at Noel ang maagang pagbubuntis ng una.
- Latest