ABS-CBN tumaas umungos sa Top 200 corporation
Patuloy na namamayagpag ang ABS-CBN Broadcasting Corporation hindi lamang bilang broadcasting network kung hindi bilang pinakamalaki at nangungunang media company sa Pilipinas.
Walang patid na maghahatid ang ABS-CBN ng dekalidad na serbisyo sa bawat Pilipino saan man sa mundo, hindi lamang sa free TV, kundi pati na rin sa cable TV, sine, radyo, magasin, celphone at internet,
“Pinalawak at papalawakin pa ng ABS-CBN ang mga serbisyo at mga lugar na bibigyang serbisyo para aming higit na maabot ang mga pamilyang Pilipino worldwide,” sabi ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio.
Isa sa mga ipinagmamalaki ng ABS-CBN ay ang high-tech na TFCko service. Ito’y nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo na mapanood ang kanilang mga paboritong shows sa ABS-CBN anumang oras na gusto nila gamit ang isang set top box (STB). Sa pamamagitan nito, maaring ulitin, i-rewind, i-forward at i-pause ang pinanood na palabas. Parang CD o DVD player lamang ang pag-operate.
Ang mga subsidiaries sa ilalim ng ABS-CBN Broadcasting Corporation ay ang Star Cinema, Star Records, Studio 23, ABS-CBN Global, ABS-CBN Interactive (Mobile, Multimedia and Online Gaming, TFCnow!), Cable Channels and Print Media Group (Star Studio, The Buzz, Metro Him, Metro, Metro Society at Maxim magazines, at ang mga cable channels na Balls, Maxx, Velvet, Myx, Lifestyle Channel, Hero TV) at ABS-CBN Foundation.
Sa pinakahuling talaan ng Top 200 Corporation sa Pilipinas na inilabas ng Security and Exchange Commission (SEC) umungos sa no. 43 position ang ABS-CBN mula sa no. 68 noong nakaraang taon. Sa talaan ding naturan, ang GMA-7 ay bumaba sa no.93 mula no. 77.
Sa kasalukuyan, tanging ABS-CBN lang ang media company na napasama sa blue chip index ng Philippine Stock Exchange simula November 14. Ang GMA network ay hindi napasama sa nasabing listahan. Pumangatlo naman ang ABS-CBN sa larangan ng innovation base sa 2007 Wall Street Journal Asia Survey parasa TFCnow (isang produktong nagbibigay sa mga manonod ng 24/7 Internet streaming ng mga ABS-CBN shows).
Ang lahat ng impormasyong ito ay nakapaloob sa bagong patalastas ng ABS-CBN (Beyond Television) na umeere kasalukuyan sa Kapamilya network.
- Latest