^

PSN Showbiz

Francis M. ibinalik sa ospital

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi pa makapag-decide si Papa Bayani Fernando sa gagawin niya sa isang milyong piso na premyo sa kanyang pagkakapanalo sa Celebrity Duets 2.

Hindi pa raw niya nakukubra ang datung pero siguradong mapupunta ito sa dalawang chari­table institutions na kanyang sinu­supor­tahan.

Happy si Papa BFsa tagumpay niya sa Celebrity Duets. Nakita raw ng mga tao ang kanyang other side as in hindi pala siya suplado. Natutuwa rin si Papa BF dahil ang pagsali niya sa contest ang dahilan kaya naging close siya sa movie press.

Kahapon ang victory party ni Papa BF. Nag-join sa victory party ang kanyang misis, si Marikina City Mayor Marides Fernando. Thank you kay Mama Marides dahil ipinaramdam niya sa akin ang haplos ng kanyang pagmamahal.

* * *

Missing in action si Melanie Marquez sa grand finals ng Cel­ebrity Duets. Na-realize ko na wala siya sa grand finals nang ipalabas sa victory party ni Papa BF ang playback.

Maliban kay Melanie, kum­pleto ang mga talunan na contestants. May balita na gusto uli ni Melanie na magbuntis. Natuloy kaya ang kanyang balak kaya hindi siya umapir sa final night ng Celebrity Duets?

* * *

Na-confine uli sa ospital si Francis Magalona dahil bigla siyang nilagnat noong isang araw. Ang balita ko, sumailalim uli siya sa chemotherapy.

Pabagu-bago ang panahon, lalo na ngayon na malapit na ang Pasko. Ulan nang ulan noong isang linggo at over-acting ang init kahapon kaya usung-uso ang sakit.

Mabilis dapuan ng infection si Francis dahil sa kanyang karamdaman kaya hindi siya puwede sa mga lugar na maraming tao.

Dapat munang iwasan ni Francis ang magpunta sa crowded places. Rest ang kanyang kailangan para mag­tuluy-tuloy ang paggaling niya. Lumayo muna siya sa mga nakaka-stress na activities.

* * *

Scaregivers at hindi Scare­giver ang correct title ng launching movie nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Scaregiver with ‘S’ dahil da­lawa sila! Nagkakamali kasi ang ibang tao. Scaregiver lang ang sinasabi nila na pamagat ng pelikula nina Wally at Jose.

 Parang kambal-tuko ang dalawa dahil madalas silang mag­kasama sa mga raket. Sina Wally at Jose ang Pugo at Tugo ng new generation.

Malaki ang tiwala ng APT En­tertainment at M-Zet Films sa talent nina Jose at Wally sa pag­papatawa. Confident ang mga produ na magiging hit sa takilya ang Scaregivers.

* * *

Bukas na ang showing sa mga selected theatres ng Sapi. Si Mark Herras ang bida sa Sapi kaya maglalambing ako sa inyo na suportahan ang first indie movie ng aking alaga.

Nabalitaan ko na may tampuhan ang mga produ ng Sapi. Hindi sila nagsasalita, alang-alang sa kanilang pelikula. Inililihim ng mga produ ang kanilang tampuhan. Ayaw nila na maging nega ang promo at publicity ng Sapi. I-wish natin na magkasundo na sila para masundan pa ang project ni Mark at ng ibang mga artista na kasali rin sa cast.

vuukle comment

BAYANI FERNANDO

CELEBRITY DUETS

FRANCIS MAGALONA

JOSE MANALO

KANYANG

M-ZET FILMS

SAPI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with