Pitong pelikula pasok sa Cinema One digi filmfest '08
Ipinakilala na ng Cinema One ang pitong finalists para sa 2008 Cinema One Originals Digital Film Festival matapos pumili sa maraming entries.
Ang una ay ang Alon, mula sa panulat at direksiyon ni Byron Bryant, na tinatampukan nina Charee Pinede, Mark Gil, at Eula Valdez. Kwento ito ng isang pag-ibig ng isang batang babae at malungkot na may edad ng lalaki.
Ang Dose ay galing kay Senedy Que na tungkol sa pagkakaibigan. Kasama sina Yul Servo, Emilio Garcia, Irma Adlawan, Fritz Chavez at special appearance si Alessandra de Rossi.
Yanggaw naman ang kay writer-director Richard Somes at nasa cast niya sina Joel Torre, Tetchie Agbayani, Ronnie Lazaro at introducing si Aleera Montalla.
MotorCycle ang kay Jon Red at writer-producer Karlo de Guzman na isang melodrama-joyride mula Manila to Vigan ang istorya ng bidang lalaki. Kasa-ma sa indie film sina Jason Abalos, Kat Alano, Lovely Rivero, Lance Raymundo at Jao Mapa.
Ang pinaka-controversial na finalist at winner ng Lino Brocka Grand Prize Award sa nakaraang CineManila International Film Festival’s Digital Local category ay ang Imburnal ni Sherad Anthony Sanchez na kinunan sa Davao.
Ang direktor na si Roman Olivares at mga manunulat na sina Inna Miren Salazar at Alfred Reyes ay gumawa ng isang hip teen drama na pinamagatang UPCAT, tungkol sa kanilang State U.
Ang Kolorete naman ni direk Ruello Lozendo na sinulat ni Sherad Anthony ay isang period melodrama ng mga magkalabang may-ari ng lupa at mga magsasaka.
Mga naging hurado ngayong taon ay mga beteranong mamamahayag at kilala sa industriya ng pelikula: Grace Javier Alfonso, Lito B. Zulueta, Brillante Mendoza, Eugene Domingo, at Jeffrey Jeturian.
Ang festival ay magkakaroon ng campus tour sa buong Metro Manila mula November 19-27. Ang Cinema One Originals Awards Night ay sa November 28 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. At lahat ng pitong napili, na pinrodyus at pag-aari ng Creative Programs, Inc., ay magkakaroon ng isang linggong palabas, December 3-10, sa IndieSine ng Robinsons Galleria.
- Latest