^

PSN Showbiz

Mga kapanalig bilib na bilib, aktor puwede nang magtayo ng religious organization

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Puwede na palang magtayo ng isang religious organization ang isang sikat na aktor dahil parami nang parami ang bilang ng mga taga-showbiz na bilib at naniniwala sa kanya ala-Mike Velarde o Eddie Villanueva. Ang galing daw ka­si ng aktor at impressed ang mga kapwa niya artista oras na magsalita na ito bukod pa sa totoong super bait daw ang magaling na aktor at sinusunod talaga ang mga nakasulat sa Bibliya.

Kaya nga raw ito na ang nagsisilbing lider sa mga artistang kasali sa kanilang grupo at marami sa mga artistang ka-join ang madalas mangumpisal sa kanya ng mga problema. Kaya siya ang may alam ng maraming lihim ng mga kasama nilang artista dahil nga siya ang nagsisilbing adviser.

“Masarap siyang tsismisin. Pero sigurado akong hindi siya mag­sasalita. Masyado siyang mabait at malihim,” sabi ng isang source na marami ring alam tungkol sa ibang lihim pero limitado kung magkuwento dahil nababaitan din siya sa aktor na guwapo.

* * *

Nakakatakot na ang pelikulang Tagalog. Taun-taon, pabawas nang pabawas ang bilang ng ipinalalabas. Matatapos na ang taon, pero heto at 26 pa lang ang nari-review ng Cinema Evaluation Board (CEB). Last year, mahigit 40 pa ang nagawa, pero malapit na ang Metro Manila Film Festival at iilan na lang ang natitirang ipalalabas kaya hindi na ito madadagdagan.

Sa 26 na pelikulang dumaan sa CEB, pito lang ang nabigyan ng A rating - Endo, Ploning, Caregiver, Urduja, A Very Special Love, Boses at Kulam, habang 12 ang nakuha ng B - My Bestfriend’s Girlfriend, My Big Love, When Love Begins, Pitong Tagpo, Ikaw Pa Rin, Bongga Ka, Boy, Paupahan, Serbis, Dobol Trobol, Torotot, For the First Time, Italy at My Only U. Anim sa 26 na pelikula ang hindi na-grade dahil super hindi puwedeng bigyan ng incentives mula sa gobyerno.

Anyway sa kakaunting pelikula sa taong ito, (madadagdagan lang ito ng siyam dahil sa Festival at ang One True Love nina Marian and Ding­dong), kaya malamang na mabawasan pa ito sa susunod na taon. So kung mababawasan ng 10, magiging 20 by November next year at pag­­dating ng 2010, 10 na lang. Oh my, nakakatakot.

Unless, magbago ang kapalaran at isip ng mga Pinoy na nanonood ng pelikulang Tagalog o maka­pag-produce ang malalaking kumpanya ng maga­gandang pelikula na pagkakaguluhan ng manonood tulad ng A Very Special Love at Kulam.

Pag maganda naman ang pelikula kahit na sabihing napirata agad, pinipilahan pa rin dahil mas ma­gan­da naman talagang manood ng pelikula sa si­nehan kahit na nga medyo may kamahalan, pini­pilahan pa rin.

Ang nasabing 26 na pelikula na dumaan sa CEB, siyam pa doon ang digital at 17 lang ang mainstream o 35 mm.

Nakakalungkot lang isipin na bilang na bilang na ang mga pelikulang Tagalog samantalang noon, nagsasalpukan ang mga pelikula sa takilya.

* * *

Speaking of CEB, kasama sila sa grupo na abala sa paglikom ng pondo sa pelikulang Ploning na kasama sa pagpipilian para sa foreign language category sa Oscars. Kailangan kasi ng maraming datung ng pelikula ni Judy Ann Santos para magka­roon ng awareness ang mga tao sa Hollywood tungkol sa pelikula. Kailangan yun para ma-sustain ang publicity sa Amerika.

A VERY SPECIAL LOVE

BONGGA KA

CINEMA EVALUATION BOARD

DOBOL TROBOL

EDDIE VILLANUEVA

FOR THE FIRST TIME

IKAW PA RIN

PELIKULA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with