^

PSN Showbiz

Matapos malimutan ang fourth anniversary; Ogie bumawi kay Regine

-

Napatawad na ni Regine Velasquez ang mahal niyang si Ogie Alcasid nang kalimutan nito ang kanilang fourth anniversary kamakailan. “Eh gago pala siya, fourth anniversary namin, nakalimutan niya, nag-shooting siya,” sabay halakhak ni Regine nang uriratin siya tungkol sa nangyari na pinag-awayan nila. “Nakabawi na siya ng bonggang-bongga. Binigyan niya ako ng cash. Hahaha. ‘Yung TF (talent fee) niya sa ginagawa niyang pelikula (Desperadas), mapupunta sa akin,” tawa na naman ng songbird sa album launching sa Universal Records, Low Key, kahapon.

Nauna na raw kasing sinabi ni Ogie na isa yun sa medyo ipinagtampo ng malaki ni Regine. Dahil na-bad trip na siya, hindi na sila nag-dinner last November 11. Nag-pansit na lang sila sa bahay ni Regine. Originally kasi ay malaking celebration ang kanilang anibersaryo pero tumanggap ng trabaho ang kanyang mahal, kaya lungkot-lungkutan siya.

At nang tanungin siya kung kailan na ba talaga ang big day nila, ibig sabihin ang kasal nila ni Ogie: ang sagot ni Regine ay oras na ma-settle na ang kailangan nilang ma-settle.

Meaning ang annulment ni Ogie. Isang annulment na lang ang kailangang ma-approve ng korte bago sila makasal ng singer/composer dahil nauna nang naayos sa Australia ang annulment ni Ogie sa unang asawang si Michelle Van Eimereen. Alam na rin ng lahat na meron na ring ibang boyfriend si Michelle na dinala pa nga niya rito para panoorin ang concert ni Ogie sa Araneta Coliseum.

Balitang usad-pagong ang annulment ni Ogie at sa katunayan ay ni-refile nila raw dito sa Maynila dahil nauna itong ipinile sa Batangas, ang probinsiya ng singer/komedyante.

Anyway, long term contract ang pinirmahan niya sa Universal Records. Dati kasi sa Indie Music siya, ang pag-aari nilang record company, pagkatapos niyang umalis sa Viva Records noon. “Ang Universal din naman ang distributor namin sa Indie Music kahit noon,” kuwento ni Regine. Pero tuloy pa rin daw ang kanilang recording company. Sa katunayan, magkakaroon na ng second album si Dennis Trillo na pagtutulungang gawin ng Indie at Universal Records.

Uy at may regulasyon pala si Regine na bawal makipaghalikan ang kanyang magiging esposo sa leading lady. Pero sa babae lang dahil pumayag naman siyang makipag­halikan ito sa lalaki sa ginagawa nitong pelikulang Desperadas 2. Eh bakit siya puwede sa kissing scene sa mga leading man niya? “Sanay na siya sa kissing scene. Saan bang movie ‘yun, sa amin yata ni Piolo (Pascual). Nagulat na lang siya na may mga ganun. Umabot na nga raw ako sa quota,” tawa na naman ng singer na siya na mismo ang nag-volunteer sa pagsasabing mararamdaman mo sa mga kanta niya sa Low Key na super in love siya ngayon.

Anyway, dalawang CD ang kasama sa kanyang bagong album. Meron siyang kanta para sa kanyang nanay at tatay at siyempre ang lahat daw ng kanta sa album ay para sa itinuturing niyang anak na si George? Sino si George? siya ang alagang puppy (o dog na ba) ni Regine na bitbit niya sa presscon dahil ka­sa­­ma ito sa back cover ng kanyang album. Kung nakakapagsalita lang sana siya.

After Kim Sam Soon sa Totoy Bato mapapanood si Regine. Twice a week siyang nagti-training ng boxing para sa partnership nila ni Robin Padilla sa GMA 7. Tumaba kasi si Regine nang gawin niya ang Kim Sam Soon. Actually, kung makikita n’yo siya sa personal hindi siya kasing-taba pag nasa TV siya. (Salve V. Asis)

AFTER KIM SAM SOON

ANG UNIVERSAL

ARANETA COLISEUM

INDIE MUSIC

LOW KEY

NIYA

OGIE

REGINE

SIYA

UNIVERSAL RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with