^

PSN Showbiz

Vic Sotto piniyansahan si Ritchie D Horsie

- Veronica R. Samio -

Apat na taon nang nakakulong sa QC jail ang komi­kerong si Ritchie D Horsie sa kasong drug possession pero piniyansahan ito ng produksyon ng Iskul Bukol…20 Years After para lamang makasama sa tinatayang grand reunion ng Iskul Bukol, isang sitcom sa telebisyon na sampung taon ding nagpasaya sa mga manonood ng TV, 20 years na ang nakakaraan.

Matangi sa aktor na gumanap ng role ni Mang Temi ang may-ari ng canteen ng Wanbol University na kung saan ay nag-aaral ang mga major characters ng sitcom na sina Tito at Joey Escalera (Tito Sotto at Joey de Leon) at si Vic Ungasis (Vic Sotto), lahat ng bumubuo ng cast ng Iskul Bukol ay kasama sa Iskul Bukol…20 Years After, tulad nina Bibeth Orteza (Bibeth at siya ring sumusulat ng script ng sitcom at ng pelikula nga­yon), Mely Tagasa (Miss Tapia, the university’s resident professor at may crush kay Joey), Jimmy Santos (Big J), Anthony Roquel (Tonette Macho, isang gay student), Kaye Torres, anak ni Nida Blanca at maski na si Sharon Cuneta, ang nakaba­batang kapatid ng Es­calera Brothers. Mga bata pa sina Kaye at Shawie nang unang lumabas sa Iskul Bukol.

Mabalik tayo kay Ritche de Horsie, pansaman­talang nakalaya ito nung mismong umagang kukunan sa Sta. Catalina College ang grand reunion ng Iskul Bukol alumni. Maging ang pamilya nito ay hindi pa nakakabatid ng kanyang paglaya. Dasal lamang ng mga kasamahan niya sa sasamahan niyang pelikula na buong palad siyang tanggapin ng kanyang pamilya.

“Lahat naman ay may karapatan sa ikala­wang pagkakataon,” ani Vic Sotto na sinawaan din nung una na tulungan ang komikero dahil bumabalik lamang ito sa kanyang bisyo. “Pero, nakakaapat na taon na siya sa kulungan, siguro naman magpapa­ka­tino na siya ngayon,” dalangin nito.

Entry ang Iskul Bukol…20 Years After sa Metro Manila Film Festival.

* * *

Bilang paghahanda sa ngayo’y inaabangan nang tam­balan nina Maja Salvador at Geoff Eigenmann bilang mga bida sa kanilang upcoming teleserye, mapa­­panood at papatunayang muli ng dalawa na ka­rapat-dapat silang bigyan ng big break ng ABS-CBN sa pamamagitan ng kanilang pagganap sa MMK sa Sabado ng gabi!

Mature na ang roles ng dalawa sa nasabing episode, kung saan gaganap na isang palikerong lalaki si Geoff na na-inlove sa isang kagalang-galang at matinong babae na si Maja sa episode na ididirehe ni Henry Quitain sa kanyang first big break as a director. Si Henry ang headwriter ng Kahit Isang Saglit with Jericho Rosales at Carmen Soo.

* * *

Maraming mga fans ni Iza Calzado ang tumawag ng aming pansin at nagreklamo dahil inapi raw ang kanilang idolo sa billing ng pelikula nito with Dingdong Dantes and Marian Rivera.

“Hindi naman ho pipitsugin si Iza para hindi bigyan ng producers ng movie ng karapat-dapat na billing. Mas gusto namin na nilagyan ng “and” ang unahan ng kanyang pangalan kaysa “with.” Pinagtatakhan ho namin ay kung bakit ito pinayagan ng kanyang ama na tumatayong manager ni Iza,” reklamo ni Michelle Ederlina, isang fanatic ni Iza na taga-Fairview.

Dagdag na naman ito sa mga negative issues na dumarating sa magka-loveteam na Dingdong at Marian na kailangan nilang resolbahin para na rin sa kanilang mga careers.

ANTHONY ROQUEL

BIBETH ORTEZA

BIG J

ISKUL BUKOL

IZA

SHY

VIC SOTTO

YEARS AFTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with