Heart mabigat ang pasaring kay Jericho
Na-pressure si Heart Evangelista sa sinabi ni SVP for Entertainment Wilma Galvante sa presscon ng Luna Mystika na 40 percent ang target nilang ratings ng premiere episode ng fantasy-drama na magsisimula sa Lunes, after 24 Oras. Mabuti na lang daw at maganda ang fantaserye, magagaling ang buong cast at mahusay sina direk Gil Tejada at Mike Tuviera.
Hindi na lang masyadong inisip ang magiging rating sa Monday at gagawin na lang ang lahat para mas gumanda ang acting niya. Naniniwala si Heart na big factor para panoorin ang Luna Mystika ang tambalan nila ni Mark Anthony Fernandez.
“Napakabait niyang leading man, walang hangin at ‘di nagti-take advantage ng situation. Napaka-perfectionist at pagdating sa set, nagbabasa lang ng script. Masuwerte ako to have him as my leading man,” patungkol ni Heart kay Mark.
Samantala, mabigat ang pahayag ni Heart tungkol sa dini-date niya ngayong si Francisco Delgado and her past relationship. Sabi nito: “He’s an ideal guy, husband material and he’s like a prince. He’s shorter than Jericho, but at the end of the day, what matters is the inside and not the looks. Looks will fade, ano ang gagawin mo sa good looking but makes you old?”
* * *
Bukas na magtatapos ang Codename: Asero ni Richard Gutierrez at hindi madi-disappoint ang sumubaybay nito dahil maraming action scenes ang mapapanood. Almost two days kinunan ang finale na may portion na live mapapanood.
Hindi lang artista si Richard sa Codename: Asero, siya rin ang fight director na talagang sineryoso niya’t pinag-aralan kung ano ang magugustuhan ng viewers na fight scene at stunts sa tulong siyempre nina direk Mike Tuviera at Mark Reyes.
Kahit magtapos ang Codename: Asero, hindi mami-miss ng kanyang fans si Richard dahil host siya ng reality show na Full Force Nature na magpa-pilot sa December 9, at papalit sa World Records ni Paolo Contis.
Nagsimula na rin siyang mag-training ng fencing para sa primetime show niyang Zorro to air next year.
* * *
Sinamahan ni Judy Ann Santos si Ryan Agoncillo nang tanggapin ang Best Male Host sa Aliw Awards last Tuesday. Second year nang nanalo ang TV host-actor kaya sobrang masaya. Silang dalawa rin ang napiling Male and Female Star of the Night.
Si Ogie Alcasid naman ang Entertainer of the Year at dahil third time na niyang nanalo, malalagay na siya sa hall of fame next year. Hindi nito personal na natanggap ang kanyang trophy dahil nagsu-shooting ito ng Desperadas 2, kaya ang nobyang si Regine Velasquez ang tumanggap ng award.
Busy si Ogie at bukod sa shooting, naghahanda na rin sa two-night concert niya sa Aliw Theater sa December 20 & 21 billed The Idol Experience: Ogie Sings with the Idols. Kasama niya ang Fil-Am American Idol Season 7 finalist Ramiele Malubay at ang friend niyang si Danny Noriega, Gretchen Espina ng Pinoy Idol at ang 11 finalists.
Produced ito ng The Underground Studio Inc., sa supervision ni Brian Sombrero ng Menaya Band na siya ring front act. Musical director si Marc Lopez at director si Rowell Santiago.
- Latest