Sikat na aktres tuloy ang relasyon sa tomboy
Hindi ako na-shock sa pag-amin ni Lindsay Lohan na may relasyon sila ng tomboyitang si Samantha Ronson.
Hindi rin shocking ang siney ni Lindsay na love na love niya ang kanyang girlfriend. Maraming Pinay na aktres ang may karelasyon na kapwa babae, bago pa man umamin si Lindsay.
Discreet nga lang ang mga Pinay actress. Hindi nila ipinangangalandakan na kapwa babae ang kanilang relasyon. Tama na sa kanila na alam ng mga kaibigan at pamilya nila na happy sila sa same-sex relationship.
May isang aktres nga na pinamanahan ng kanyang namatay na girlfriend. Hanggang ngayon, love ng aktres ang karelasyon na natsugi.
Tuloy ang relasyon ng sikat na aktres sa kanyang lover na may connect din sa showbiz. Hindi maiwanan ng aktres ang tomboyita dahil tanggap nito ang kanyang mga kagagahan.
Knows ng fans ng isang sikat na aktres na puwede ito sa girl at puwede sa boy. Higit sa lahat, puwede ang sikat na aktres sa gay!
Iba ang kaso ko. Madalas akong napagkakamalan na tivoli pero girl na girl ako ‘no!
Walang masama sa pagiging tomboyita pero never ko pang naranasan na maligawan ng kapwa girl. Afraid sila na haharbatan ko lamang sila!
* * *
Na-sad naman ako nang malaman ko na malungkot ang kilalang showbiz personality dahil wala siyang regular show sa TV.
Sa totoo lang, kadalasan, hindi datung ang dahilan ng kalungkutan ng mga artista na walang TV show. Nalulungkot sila dahil nami-miss nila ang pag-arte at exposure, lalo na ang mga artista na sanay na sa araw-araw ng taping.
Palagi kong sinasabi sa mga baguhang artista na i-cherish ang kanilang mga propesyon at career. Imposibleng hindi dumating ang araw na hindi nila ma-miss ang showbiz. Sinungaling ang artista na magsasabi na never nilang na-miss ang pag-arte sa harap ng kamera, ang fame at ang fortune!
* * *
Naging psychic ako noong Linggo. Hinulaan ko na mataas ang rating ng mga talk show dahil malakas ang ulan. Sure ako na imbes na umalis ng bahay, manonood na lang ng TV ang mga tao.
Tumpak ang hula ko. Mataas ang rating ng mga show noong Linggo. Naloka ako sa Showbiz Central dahil 19% ang rating nila. Tinalbugan nila ang Startalk na okey lang dahil hindi namin sila itinuturing na rival show.
* * *
Malapit na ang showing ng Sapi. Suportahan naman ninyo ang unang indie movie ni Mark Herras.
Ang One True Love ang makakatapat sa takilya ng Sapi. Hindi afraid ang produ ng Sapi dahil ang katwiran niya, iba ang crowd ng One True Love, iba ang crowd ng pelikula nila. Okey naman ang reviews ng Sapi na nababasa ko. Marami raw sorpresa sa ending ng pelikula. Watch ninyo ang Sapi sa mga sinehan sa November 19 para maging happy si Mark.
- Latest