Pinoy-Latino nominado sa Aliw Awards
Masuwerteng baguhan sa Philippine music industry ang Pinoy-Latino artist na si Lex Lopez. Sa maikling panahon lang kasi since mai-release ang kanyang Love Me album na produced ng RLT Music Productions na pag-aari ng ina nitong si Ms. Linda Lopez Trinidad ay unti-unti nang napapansin at nakikilala ng publiko si Lex.
Sa November 11, personal na dadalo ang singer at ang mommy Linda niya sa awards night ng 21st Aliw Awards na gaganapin sa Manila Hotel. Hindi lang nominado si Lex bilang Best New Male Artist, kasama niya pang magpi-perform sina Ms. Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Richard Poon, atbp. Biggest achievement na niya, so far, ang nakuhang nominasyon sa naturang award-giving body.
Sa ngayon, aside sa Love Me album na released nationwide ng D’ Concorde Records, in demand din si Lex sa kaliwa’t kanang mga out-of town shows. Ang huli niyang show ay ginanap sa Dagupan City.
Isa pang talento ng newcomer ay ang acting. Katatapos lang gawin ni Lex ang Medalya with co-stars Jao Mapa and Andrea del Rosario under the direction of Jigz Recto. Magkakaroon ito ng red carpet premiere sa AFP Theater in Camp Aguinaldo sa November 21.
Abangan na lang ang last leg ng mall tour ni Lex sa November 14 sa SM Pampanga kung gustong makita ng malapitan ang new talent.
- Latest