^

PSN Showbiz

Caterer nagulantang sa pagka-palengkera ng sikat na aktres

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Napakaganda ng sikat na aktres na ito na laging naiintriga sa pagiging palengkera.

May naisyete ang aking source sa patuloy na pagiging palengkera ng sikat na aktres.

Minsan daw sa taping break ng isang show ay naghahanda na ang caterer para sa pagkain ng mga artista at staff, sigaw nang sigaw ang aktres sa nagke-cater “pakainin n’yo ang driver ko, wag nyo siyang gugutumin.” Maganda naman ang intensyon ng magandang aktres kaya lang di akalain ng nagke-cater na sa ganda ng mukha nito ay lumilitaw pa rin ang pagiging palengkera. Inaasahan kasi nila na “prim and proper” ang sikat na aktres.

* * *

Naniniwala na kami na nanumbalik na ang magandang pagtitinginan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Sabay na dumalo ang mag-asawa kasama ang tatlong anak at kani-kanilang yaya sa premiere night ng Madagascar 2 sa IMAX noong Huwebes. Magka-holding hands ang dalawa at sweet na sweet habang papasok sa sinehan.

Marahil na-realize ni Buboy na mahal na mahal pa rin niya ang asawa at pangarap nito na maging buo ang kanyang pamilya.

Nakatira na sina Buboy at Sunshine sa bagong bahay at mas masaya ang tatlong anak nila na puro mga babae.

Sa kabilang banda, nag-enjoy sila sa panonood ng Madagascar 2 lalo’t naroon ang apat na penguin kung saan nagmistulang pista ang lobby ng sinehan dahil sa dami ng bata na nakikipagsayaw sa mga mascots.

* * *

Natuloy na sina Angel Locsin at Piolo Pascual sa Australia para sa syuting ng Land Down Under para sa Star Cinema kung saan naurong na ang playdate nito na magiging January na.

Umalis ang aktres noong Huwebes. Kahit wala pang pelikula si Angel ay rat­sa­da naman ito sa mga komersyal. Nominado sila ni Piolo sa pagiging best drama actor and actress dahil sa Lobo sa darating na Star Awards ng PMPC.

Stable naman ang relasyon ng aktres kay Luis Manzano at saludo si Gov. Vi Santos-Recto sa malaking pagbabago ng anak kay Angel. Kaya naman botong-boto ang pamilya ni Gov. sa aktres.

* * *

Bukod sa teleserye ay may time pa rin sa mga out-of-town shows si Katrina Halili. May show ang seksing aktres titled Indayog sa Gabi sa November 14 sa For the Boys Videoke Bar sa Caloocan City with live band.

Ang showtime ay sa ganap na 10 p.m. sa direksyon ni Bert Talens ng KDPP.

Nagsusyuting na si Katrina ng One Night Only na pang-MMFF ng Canary Films.

vuukle comment

AKTRES

ANGEL LOCSIN

BERT TALENS

BUBOY

CALOOCAN CITY

CANARY FILMS

CESAR MONTANO

FOR THE BOYS VIDEOKE BAR

HUWEBES

KATRINA HALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with