^

PSN Showbiz

Mas gusto ring manamit si Ruffa kesa kay Kris; Gretchen namimigay ng datung sa TV5

- Veronica R. Samio -

Hindi ko first time na mapasali sa isang game show sa telebisyon pero unang pagkakataon ’yon na nanalo ang 48 press people ng mahigit sa tig-apat na libong piso. At marahil kung kinarir pa ni AiAi delas Alas ang pagiging contestant niya na tulad nang ginawa ng partner niyang si Arnell Ignacio baka tig-20 thou ang naiuwi namin makatapos ang taping ng nasabing game hosted by the very beautiful Gretchen Barretto entitled You & Me Against the World.

Naiiba ang game show ni Gretchen dahil agad-agad nakukuha ng mga contestants (2 major contestants at mga 50 iba pang kasali ang mag­tatang­kang agawin sa contestant ang prize money na P1 milyon) ang premyo ’di tulad sa maraming ganitong pakontes na inaabot ng araw, linggo at buwan bago nila makuha ang kanilang napanalunan. Pabulosa, ’di ba?

Pero hindi lamang sa parteng ito pabulosa ang You & Me Against the World, napakapabulosa rin ng host nung araw ng taping na kasali kami. She wore her own dresses, brought her own stylist, and make-up artist plus a uniformed yaya. Napakaganda rin ng kanyang mood dahil in between takes, nakipag-usap siya sa amin na nagsilbi na ring interview para sa kanyang game show. Eh ano ba kung during breaks ay nag­ta­tang­gal siya ng kanyang sapatos para ipahinga ang kanyang mga paa at hindi yata siya tumigil ng pag-aayos ng kung anuman yung bagay sa kan­yang likuran na kunektado sa kanyang lapel mic?

Ang ganda-ganda talaga ni Gretchen at wala pa ring takot magsalita ng mga bagay na ikaiintriga niya tulad ng pagsagot sa isa sa mga tanong kung kaninong damit ang aabangan niya,’ yun bang kay Kris Aquino o kay Ruffa Gutierrez. Pareho sila ni AiAi na ang piniling sagot ay Ruffa.

There was also a time na nakailang pagkakamali siya na inihingi niya ng paumanhin at sinabing tao lamang siya at sinabing papasa na sa manonood pero syempre, ang nasunod ay ang direktor.

Ay, Gretchen, masaya kang kausap, nakakaaliw ka! Ikaw ang mag­da­dala ng programa mo. Aabangan at aabangan ng mga manonood ang lahat ng sasabihin mo at isusuot mo. Ikaw lamang marahil ang kauna-unahang game show host na makikitang nagho-host at nagmo-model at the same time.

Bilang come on, bukod sa aming mga press, pawang mga celebrities ang tatayong contestants at World sa mga unang episodes. At si­guradong tulad namin ay pahahangain din sila ni Greta not only with her efforts to be a good host but also with her classy style of dressing at ang paminsan-minsang pagpapakawala ng mga ’di inaasahang taray. Malapit na!

* * *

Bongga rin yung ipinang-imbita sa amin ng kasamahang Pilar Mateo na launch ng Turismo Filipina 2008, the pageant. Ito na yata ang nag-iisang beauty contest na may pinaka­ma­raming kandidata dahil lahat ng letra sa alpabeto ay may representative, mula A hanggang Z at maraming probinsya ang nagsisimula sa isang magkaparehong letra kaya you can just imagine how many contestants paraded in front of the entertainment press nung araw ng launch.

Brainchild ni Precious Lara Quigaman, Ms. International 2005 ang nasabing pakontes. Siya rin ang tumatayong presidente ng kumpanya na nasa likod nito, ang Turismo Filipina Charities, Inc. (TFCI), kasama ang mga kaibigan niyang sina Bb. Pilipinas International 2006 Denille Lou Valmonte bilang VP at Bb. Pilipinas Universe Karen Loren Agustin-Ostrea bilang secretary.

Idaraos ang pre-pageant ng Turismo Pilipinas sa Nobyembre 10 sa Ynares Stadium, Pasig City. Labinlimang semi-finalists ang kukunin dito at ang mga bibigyan ng special awards. Ang grand coronation night ay magaganap sa Nobyembre 14 sa AFP Theater, 7 p.m.

* * *

Paano mo gagampanan ang papel ng isang patay??

Ngayong gabi, mapapanood ang multi-awarded character actress na si Gina Pareño sa Maalaala Mo Kaya (MMK) kasama si Ketchup Eusebio.

Mahirap paniwalaan pero totoong nangyari ang kwentong ito na aantig sa puso ng lahat ng makakapanood, sa direksyon ni Jeffrey Jeturian at panulat ni Benson Logronio!

Samantala, nagpapasalamat ang pamunuan at staff ng MMK sa karangalang iginawad sa programa ng katatapos lang na Catholic Mass Media Awards.

* * *

Patuloy na tinatangkilik ng mga fans ang tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson na tampok sa kanilang mini-series na Your Song Presents My Only Hope, Linggo, ABS-CBN.

Magkakaro’n na ng relasyon sina April (Kim) at Keeno (Gerald) pero isisikreto ito ni April. Sayang dahil handang-handa na rin sanang ipagtapat ni Jhun (Enchong Dee). Muling babalik ng Boracay sina April at Keeno upang i-celebrate ang kanilang pagmamahalan.

Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com o sa http://myonlyhope.multiply.com.

* * *

Happy birthday kay Bong Osorio, very efficient PR head ng ABS-CBN last November 5. Wala bang blowout?

vuukle comment

ARNELL IGNACIO

BENSON LOGRONIO

BONG OSORIO

CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS

DENILLE LOU VALMONTE

GRETCHEN

ME AGAINST THE WORLD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with