^

PSN Showbiz

Shooting nila Sarah at John Lloyd naurong din; ''Hindi ako na-depressed" - Yasmien

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Balik-pelikula pala si Rosanna Roces. Yup, matapos ang matagal na pana­hong pamamahinga sa pelikula at pagko-’concentrate’ sa pagiging lola at pag-aalaga sa anak na preggy uli, aba may offer pala uli si Rosanna na umarte sa pelikula. Pero sa indie film lang naman kung saan makakasama niya si Sid Lucero at si Adolf Alix ang direktor.

Pina-finalize pa raw ang nasabing pelikula pero sure na magka-partner sila Rosanna at Sid. “At least may iba siyang pagkakaabalahan. Sana lang ‘wag siyang mag-feeling agad. ‘Wag na siyang maging pasaway. ‘Wag niyang gawin yung ginawa niya sa Maging Sino Ka Man,” sunud-sunod na sabi ng isang source.

Hindi na matandaan ng tao kung anong huling pelikula ni Rosanna. Ang huling balita sa kanya ay nang makipag-away ang dating seksi aktres sa isang cashier sa karerahan na napanood sa TV ang actual footage na minura-mura niya.

Ay nakasama nga pala siya sa show ni Ryan Agoncillo sa TV5 na Talen­tadong Pinoy kaya lang, wala naman nakaramdam sa presence niya.

Anyway, hintayin na lang natin ang comeback movie ni Rosanna kung kailan mapapalabas.

* * *

Kahit nadulas na si Direk Maryo J. delos Reyes na galing sa depression si Yasmien Kurdi, hindi pa rin umamin ang young actress. Hindi raw siya na-depressed at naging abala lang daw siya sa pag-aaral. “Masama bang mag-aral? Alam nilang nag-aaral ako,” katuwiran ni Yasmien. Full load daw siya - 21 units at every Monday and Wednesday siya pumapasok at ang ibang araw ay inilalaan niya sa trabaho. “Foreign service po ang kinukuha ko pero plano kung mag-master sa International Service,” sabi ni Yasmien na isang Iglesia ni Kristo kaya sa New Era College siya naka-enroll.

Samantala, ‘that person’ na ang tawag ni Yasmien sa ‘ex’ niyang si JC de Vera. Ayaw na rin niyang pag-usapan ang aktor dahil wala naman daw silang pino-promote at hindi sila magkasama sa show kaya nakikiusap siyang ‘wag na lang itong pag-usapan. “Sana ‘wag nang palakihin pa. Hindi naman siya kasali sa show namin at wala kaming show together,” pakiusap pa ni Yasmien.

Besides, hindi na naman daw sila nagkikita ng aktor kaya ‘wag na lang itong pag-usapan.

Anyway, suwerte rin itong si Yasmien kung tutuusin. Nung una, character ni Sharon Cuneta ang ginampanan niya sa Pasan Ko Ang Daigdig. Ngayon naman character ni Maricel Soriano sa Saan Darating Ang Umaga ang ibinigay sa kanya ng GMA 7. “I’m trying my best. Ita-try ko po talaga na mapakita ko yung best ko.”

Bukod sa akting kailangan din niyang ma-justify ang pagiging slim ni Maricel sa Saan Darating ang Umaga. “Super petite si Tita Maria. Try ko rin pong magpapayat. Pero kahit petite si Tita Maria, nagulat ako, ang lakas niyang sumampal,” pag-alala ni Yasmien tungkol kay Maricel nang makasama niya ito sa pelikula noon.

Anyway, sa November 10 na magsisimulang mapanood ang Saan Darating ang Umaga? na pumatok sa takilya noong 1983. Bukod kay Maricel, kasama noon sa pelikula sila Nida Blanca na ngayon ay gagampanan ang character ni Lani Mercado at Nestor de Villa na ngayon naman ay si Joel Torre ang gaganap.

At si Dion Ignacio na dati’y kakapiranggot ang papel sa mga GMA shows ay biglang leading man dito ni Yasmien.

Ang kuwento ng Saan Darating ang Umaga? ay umiikot sa angkan ng Rodrigo na pinangungunahan ni Leonardo (Charlie Davao), isang mayamang businessman na nagmamay-ari ng isang respetadong real-estate firm.  Nagsimula sa wala si Leonardo, nagsumikap hanggang sa nakamit ang tinatamasang tagumpay.  Pero hindi tulad ng ibang businessman, pantay ang tingin ni Leonardo sa lahat ng kanyang empleyado kabilang na ang kanyang mga anak na sina Dindo (Gary Estrada) at Ruben (Joel Torre) na kapwa nagtatrabaho sa kanilang kumpanya bilang mga arkitekto.

Sa magkapatid, si Ruben ang kinakitaan ng mga katangian ng pagmamahal sa trabaho tulad sa kanyang ama.  Hindi lang siya magaling, mabait rin ito at masayahing tao bukod pa sa isa itong mapagmahal na asawa kay Lorrie (Lani Mercado) at mapagkalingang ama kay Shayne (Yasmien Kurdi). At hindi tulad ng amang mayaman, masaya ang pamilya ni Ruben kahit sa simpleng bahay lamang sila nakatira.

 Si Dindo naman ang kabaligtaran ng lahat kay Ruben. Siya at ang asawang si Agatha (Pinky Amador) ay patuloy na nakikitira at umaasa sa amang si Leonardo. 

* * *

Moved sa November 22 ang shooting ng sequel ng A Very Special Love nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Originally ay sa November 10 ang start ng shooting nila. Kung naurong man, wala raw kinalaman sa naurong ding shoooting ng Land Down Under nina Piolo Pascual at Angel Locsin. Pina-finalize pa raw kasi ang script. Parehong Star Cinema kasi ang pelikula.

Ngayon daw, concentrated muna siya sa rehearsal para sa concert niya sa Saturday sa Araneta Coliseum, The Next One kung saan magiging guest niya si John Lloyd.

Anyway exciting and rewarding year ang 2008 for Sarah.

Bukod sa super successful niyang pelikula, aba nakakuha rin ng Emmy nomination ang kanyang last teleserye sa ABS-CBN na Bituing Walang Ningning. Tapos ito, nakasama rin siya sa Most Beautiful Women ng Starmeter Blog at Sexiest Women sa survey ng men’s mag na ikinaloka ni Sarah nang minsang makatsika namin siya.

And oh yes, her latest album, Just Me, which features a duet with Howie Dorough of the Backstreet Boys, ay nagpapatunay na kaya niyang makipag-collaborate sa international star. At puring-puri pa siya ni Howie D. nang dumating sa bansa. “She’s a lovely lady. When I was asked about doing a project with her about four or five months ago by Christian de Walden I was very honored. I went online and I checked out on the internet and realized that she’s a huge superstar here and around the world,” pagtatapat ng miyembro ng Backstreet Boys na nagduda pa pala nung una.

Anyway ika-third na niya sa Araneta ang The Next One. Parehong jampacked ang nauna niyang dalawa. Viva Concerts and Events, is pulling out all stops to guarantee that the show will be a sure-fire hit. It has brought two musical heavyweights into the project. No less than “Mr. M” himself, Johnny Manahan, will direct, and Louie Ocampo is on board to weave his magic as musical director.

But wait, there’s more. Some of Sarah’s friends will join her on stage to amp up the show aside from John Lloyd. They include Billy Joe Crawford, and World Championship of the Performing Arts (WCOPA) champion Jed Madela.

Maja Salvador, Shaina Magdayao and Rayver Cruz will team up for a production number while Dorough will have a special video presentation.

BUKOD

NIYA

PELIKULA

ROSANNA

RUBEN

SAAN DARATING

SIYA

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with