Lani tagasalo nina Lorna at Amy
Nagpasalamat si Lani Mercado kina Lorna Tolentino at Amy Austria na hindi tinanggap ang role na ginampanan ni Nida Blanca sa pelikulang Saan Darating Ang Umaga dahil sa kanya napunta ang role.
“Mahirap tapatan ang husay niya dahil The Nida Blanca siya at consistent nominees sa role niyang si Lorrie. Gagawin ko na lang ang lahat para tama ang mga eksena ko. Marami rin naman akong experience na paghuhugutan para marating ko ang emosyon na dapat sa bawat eksena,” wika ni Lani.
Okey lang kay Sen. Bong Revilla na bukod sa Moms sa Q-11, may Saan Darating Ang Umaga siya sa GMA 7. Nababalanse pa rin niya ang kanyang schedule at mas maganda pa rin ang schedule ng mga artista kesa everyday job na 8:00 am-5:00 pm. Kaya kahit maganda ang offer sa kanya ng CITEM na involved sa sinasalihang trade fairs ng bansa, hindi niya tinanggap.
Masaya palang ikinuwento ni Lani ang unang pagkikita ng mga apo niyang si Gab (anak ni Jolo kay Grace Adriano) at Alexa (anak nina Inah at Vince). Pagkatapos mag-hello ni Gab sa baby, ini-interview si Inah kung baby niya si Alexa.
Samantala, sa Monday, November 10, magpa-pilot ang Saan Darating Ang Umaga sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes. Sixteen weeks itong tatakbo.
* * *
“That person” ang tawag ni Yasmien Kurdi kay JC de Vera sa presscon ng Saan Darating Ang Umaga at ang katuwiran nito, para matigil na lang ang pagtatanong ng press sa former loveteam. Pero sa sinagot nito, mas tumindi ang intriga sa kanila.
Tinawag na “That boy” ni Jennylyn Mercado si Patrick Garcia nang ma-interview namin siya sa taping ng Dear Friend nila ni Mark Herras. Sagot lang siguro ito ni Jennylyn nang tawagin siyang “That girl” ng mother ni Patrick sa isang earlier guesting sa Showbiz Central.
A few years ago, tinawag ding “That girl” ng isang sexy- actress ang singer-actress na ipinalit sa kanya ng kanyang naka-live in. Marami pang nagpalitan ng “That girl” ang magkaka-away sa showbiz at ang reaction dito ng press ay “That’s Entertainment.”
* * *
Balik tayo kay Yasmien Kurdi, hindi raw siya galit kay JC at hindi rin nagtatampo, pero sa mga sagot nito ‘pag ang actor ang tinatanong, mas naniniwala ang press na something is wrong sa kanilang dalawa. Hindi rin pala sila nagbabatian ‘pag nagkikita.
“Hindi ako nanghihinayang sa nangyari sa relasyon namin dahil hindi naman naging kami. Magaling lang kaming umarte, great pretenders lang kami. Saka ang cheap ‘pa nanghinayang ako. Ang pangit pakinggan sa girl na manghinayang sa relasyon. ‘Pag ibinalik ang loveteam namin, okey lang, bahala ang network,” sabi ni Yasmien.
Itinanggi rin ni Yasmien na may blessings niya ang pang-aaway diumano ng fans niya kay Rhian Ramos dahil ito ang ka-loveteam ni JC sa Lalola. Friends daw sila ni Rhian at textmates pa nga. Wala na raw siyang time makipag-away pa.
Anong comment mo na sina JC at Rhian na raw?
“Care ko! Bakit kailangan ko pang malaman ‘yun,” ang winner na sagot ni Yasmien.
* * *
Wednesday sa Lalola, masayang ibinalita ni Griselda (Jackielou Blanco) kay Gaston (Marvin Agustin) na may naisip silang gawin para matulungan ito. Nagulat ang lahat nang sabihin ni Sabrina (Angelika dela Cruz) na si Soledad (Patricia Ysmael) ang ahas na magpapahamak kay Lola (Rhian Ramos).
- Latest