^

PSN Showbiz

Jennylyn nega na! Patrick nakakakuha ng simpatya

- SEEN SCENE -

SEEN: Ang text brigade ni Yasmien Kurdi na bilhin ang November 2008 issue ng Manual Magazine dahil very nice ang cover. Si Yasmien ang cover girl ng nasabing issue.

SCENE: Nega si Jennylyn Mercado dahil sa kanyang pahayag na hindi niya ipakikita kay Patrick Garcia ang kanilang anak.

Marami ang nakikisimpatya tuloy kay Patrick dahil hindi niya pinapatulan ang mga nega statement ng kanyang girlfriend.

SEEN: Sina Jolo Revilla at Lovi Poe sa Rockwell Cinema. Tuloy ang kanilang relasyon. It must be true love.

SCENE: Ang mga film pirates na naghahanap ng kopya ng sex video ni Criselda Volks. Gusto nilang pagkakitaan ang kawawang aktres. Please spare her.

SEEN: Ang statement ng talent manager na si Becky Aguila na naging malupit ang ibang miyembro ng media na hindi nag-verify ng katotohanan tungkol sa kaso nila ng kanyang dating assistant na si Mel Pulmano.

Inulit ni Becky ang kanyang sinabi sa isang talk show na pinayuhan si Mel ng doktor nito na makipagkita sa psychiatrist.

SCENE: Ang bagong game show ni Gretchen Barretto sa TV 5. Bagay na bagay kay Gretchen ang title ng show: You and Me Against the World.

SEEN: Si Rosanna Roces bilang judge ng Talentadong Pinoy. Walang ingay ang participation ni Rosanna sa talent show ni Ryan Agoncillo. Talented actress si Osang ngunit nasayang lang ang talent niya dahil sa pagiging pasaway niya.

SCENE: Absent si Willie Revillame sa Wowowee kahapon. Inasikaso niya ang imbestigasyon sa nakawan na nangyari sa kanyang bahay. Milyones ang halaga ng mga ninakaw kay Willie. Mahirap i-flaunt ang kayamanan.

BECKY AGUILA

CRISELDA VOLKS

GRETCHEN BARRETTO

JENNYLYN MERCADO

LOVI POE

MANUAL MAGAZINE

MEL PULMANO

PATRICK GARCIA

ROCKWELL CINEMA

RYAN AGONCILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with