Tatlong banda sa Luzon pasok sa Soundskool
Tatlong banda mula sa Luzon ang kasama sa latest finalists sa Nescafe Soundskool battle of the best college bands competition - Maracore, Flaurah and 7th School. Tinalo nila ang 15 bands mula sa nasabing region para sa title ng Soundskool 2008.
Ang tatlong banda ay tumanggap ng P25,000 each at slots sa mentorship program na gaganapin sa Boracay kasama ang biggest and most respected names in music na magsisilbi nilang mentors.
Ang Laguna-based band Maracore ay patterned sa pangalang Paramore na malaking impluwensiya sa kanilang musika.
Ang Flaurah ay galing sa musically-inclined families na mula sa Lucena City.
May impluwensiya naman ng rock bands na Incubus, Story of the Year, The Used, Kamikazee at Join The Club ang 7th Skool na nakabase sa Cabanatuan City.
Ang Luzon elemination leg ay pinasaya ng Ernvillie at Callalily.
Ang Soundskool ay ini-endorso ng Commission on Higher Education (CHED).
Ang mananalo sa Nescafe’s Soundskool 2008 ay magkakaroon agad ng recording contract sa Sony BMG at P250,000.
- Latest