^

PSN Showbiz

Pangarap ng dating receptionist biglang natupad

-

Ang bagong discovery ng Stages talent group ay si Jeff Singson, na kailan lang ay nakatikim ng malaking break sa West Side Story. Inaalagaan siya ngayon para maging bihasa sa acting at TV hosting.

“I am definitely living a dream. Bago ang West Side Story, isa lang akong receptionist sa TGI Friday’s restaurant sa Ortigas,” kwento ng 24-year-old performer.

Sino nga naman ang mag-aakalang biglang makakasama niya sa entablado sina Christian Bautista, Karylle at Joanna Ampil? Bukod pa riyan ang pagiging parte niya sa produksiyon at kumpanya ni Menchu Lauchengco-Yulo na isa ring magaling na direktor.

Bata pa si Jeff ay nakasubok na rin siya sa ilang maliliit na teatrong produksiyon at sumali na sa ilang singing contests gaya ng Pinoy Pop Superstar ng GMA 7.

Kasama si Jeff ngayon sa Lipgloss na ang mga bida ay sina Sam Concepcion, Cheska Ortega, Mikee Lee at Rodjun Cruz.

Ang iba pang talento na kasama na ni Jeff sa Stages, bukod kina Christian, Cheska, Mikee at Sam, ay sina Iñaki Ting, Raki Vega, Isabella, Aria Clemente, Enrique Gil at Greggy Santos. Para sa bookings, tawagan ang 818-1111 loc. 225 o mag-email sa [email protected].

ARIA CLEMENTE

CHESKA ORTEGA

CHRISTIAN BAUTISTA

ENRIQUE GIL

GREGGY SANTOS

JEFF SINGSON

JOANNA AMPIL

MENCHU LAUCHENGCO-YULO

MIKEE LEE

WEST SIDE STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with