^

PSN Showbiz

Yaman nina Justin Timberlake at Madonna taob sa yaman ng patay

-

Nananatili pa ring pinakamayamang patay sa mun­do ngayong taong ito si Elvis Presley ayon sa report ng Reuters para sa paggunita ng araw ng mga patay. 

Tulad noong nakaraang taon, lumitaw ngayong 2008 sa listahan ng Forbes.com na nangunguna si Elvis sa mga sikat na patay na patuloy na kumikita ng limpak-limpak na salapi kahit pumanaw na sila.

Ayon pa sa report, kumita ng $52 milyon si Elvis sa nagdaang taon dahil sa pagdami ng mga bumibisita sa kanyang Graceland Estate para gunitain ang ika-30 anibersaryo ng kanyang pagkamatay at sa kita ng bagong venture na Elvis Sirius Satellite Radio Show.

Mas malaki pa ang kita ni Elvis kaysa sa mga nabubuhay na singer tulad nina Justin Timberlake ($44 milyon) at Madonna ($40 milyon).

Base pa sa report, pumangalawa kay Elvis ang cartoonist na si Charles Schultz ($33 milyon) na nakilala sa comic strip nitong Peanuts at namatay noong taong 2000. Pangatlo ang Australian actor na si Heath Ledger na namatay noong Enero sa edad na 28 anyos. Tinataya ng Forbes na kumita si Ledger ng $20 milyon dahil sa huli niyang pelikulang Dark Knight na tumabo ng $991 milyon sa mga sinehan sa buong mundo. Sumusunod pa sa listahan ang German-born physicist na si Albert Einstein, $18 milyon ayon pa sa report.

* * *

“We needed prominent male singers from other Asian countries and Christian Bautista is a name everyone knows. There is no reason for us not to pick him,” sabi ni Tanta Hiaiya, Indonesian director ng 1st Asian Beach Games sa ginanap na opening ceremonies kamakailan sa Garuda Wisnu Kencana Park, Bali Indonesia.

Nakasama niya sa nasabing performance sina Andre Hehaussa, Indonesian singer and songwriter, and India’s Mark Lazaro, lead vocalist of Indian band Karimasix.

Kinanta ng tatlo na ipinakilala sa mahigit 4,000 na nanood bilang The Asian Divos ang To Be One, isang original Indonesian song na ginawa para sa nasabing event at sinamahan sila ng 70-piece orchestra conducted by musical director and songwriter Erwin Gutawa.

At heto, pinanood sila ng Presidente ng Indonesia, H.E. Susilo Bambang Yudhoyomo.

Local media and Trans TV extensively covered the 2-hour main event. Also present were correspondents from ESPN and Star Sports.

Ang main stage sa opening ceremonies ay itinayo sa massive and elaborately sculptured Balinese eagle, called the Garuda.  Behind the Garuda ay ang famous mountain-sized Vishnu statue. In front is a lit staircase, which leads to a man-made beach where sand and water flows.

Umabot sa halos 1,000 ang dancers na kasali sa opening nito.

Galing sa 45 Asian countries ang naglaban-laban sa 19 sports events.

It was reported that the Bali National Asian Beach Games Committee has spent a whopping US$3 million for the ceremonies. It is by far the biggest national event in Indonesia this year.

Oh di ba masyado nang sikat sa Indonesia si Christian?

Matagal-tagal na ring humahataw ang career nito sa Indonesia.

ALBERT EINSTEIN

ANDRE HEHAUSSA

ASIAN BEACH GAMES

ASIAN DIVOS

BALI INDONESIA

BALI NATIONAL ASIAN BEACH GAMES COMMITTEE

BEHIND THE GARUDA

CHARLES SCHULTZ

CHRISTIAN BAUTISTA

DARK KNIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with