^

PSN Showbiz

Stand-up comedians may showdown!

- Veronica R. Samio -

Kanino kaya kayo mas matatawa kina John Lapus, Jon Santos at Candy Pangilinan kung mapapanood n’yo sila ng sabay-sabay?

Ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa napipintong paghaharap ng tatlo sa pinakamagagaling na stand-up comedians sa bansa sa Music Museum sa lahat ng Biyernes at Sabado ng Nobyembre.

May pagpupustahang nagaganap ngayon pa lang sa kung sino sa tatlo ang makapagbibigay ng pinakanakakatawang impersonation. Kilala si Jon bilang pinaka­mahusay mag-impersonate sa magaling na aktres at ngayon ay isa nang pinagkakatiwalaang pulitiko na si Vilma Santos. Sa tagal na niyang ginagaya si Ate Vi, masapawan pa kaya siya ng gagawing panggagaya ni Candy kay Annabelle Rama at Betty La Fea? At si Sweet (John Lapus), patatalo rin kaya, lalo’t kabilang siya sa mortal na kalabang network ng kanyang mga co-comedians?

Riot ’di pa man nagsisimula, ’di ba? Lalo’t iisiping pawang mga Aliw awardees ang tatlo for stand up comedy at matatagumpay ding solo performers, nakaka­hiyang may isang mapag-iwanan sa tatlo. 

Ang pagalingan ng tatlo ay pinamagatang Da Spooftacular Showdown at magtatampok sa iba’t ibang guests tulad nina Pokwang, Pooh, Vice Ganda, Kaye Brosas at iba pang ASAP ’08 stars. Mula sa direksyon ni Phillip Lazaro at script nina Kim Idol, Ador Cuntapay at Joel Mercado.

* * *

Marami ang nagtataka kung paanong maayos na nagagampanan ni Jodi Santamaria ang kanyang pagiging asawa at ina ng tahanan gayong napaka-aktibo rin niyang artista hindi lamang sa pelikula kundi maging sa telebisyon. At huwag kayong magugulat na nagagawa pa rin niyang maitaguyod ng maayos at matagumpay ang kanyang mga negosyo. Meron siyang beauty salon at isang kainan at may bubuksan pa siyang manukan.

“Kaya naman, time management lamang ang kailangan. Supportive naman ang husband ko sa lahat ng ginagawa ko kaya siguro lalo akong nai-inspire na mapagbuti ang lahat ng trabaho ko.

“Minsan isinasama ko ang anak ko, si Thirdy (Panfilo III) who is turning three sa taping ko kaya kilala na siya ng direktor at maski na ng mga kasamahan ko sa production. Kung naiiwan naman siya sa bahay, I see to it na ayos lahat ng kakailanganin niya at kahit pagod na pagod ako pagkagaling sa taping, naglalaro muna kami bago ako magpahinga,” pagmamalaki ng 26 na taong gulang na ina na sa sobrang kaabalahan ay ’di na magawang umasa sa mga propesyonal para mapangalagaan ang kanyang balat.

“Ako na lang ang nag-aalaga sa sarili ko, hassle-free naman ang programa sa skincare ng Gluta-C. Kung napansin n’yo, dati morena ako pero pumuti ako at kuminis pa ang balat ko. Wala naman akong ginagawa kundi gumamit ng sabon,” sabi ni Jodi.

Excited siya dahil kahihirang niya lamang na best actress para sa pelikulang Sisa sa katatapos na 10th Cinemanila International Film Festival na makuha na ang kanyang trophy dahil hindi siya nakarating sa awards night dahil sa isang naunang commitment.

“Hindi ko inisnab ang Cinemanila Filmfest. Bakit ko gagawin ito eh marami na akong ginawang indie films,” pangangatwiran ni Jodi.

* * *

Maganda ang kwento ng My Only Hope, tampok sa Your Song Presents, mapapanood tuwing Linggo, after ASAP ’08.

Aamin na si Jhun (Enchong Dee) kay April (Kim Chiu) sa kanyang tunay na nararamdaman. Ano kaya ang magiging reaksyon dito ni April? Mapipigilan pa kaya ni Rick (Xian Lim) ang pag-alis ni Fifi (Alex Gonzaga)? Tuluyan na kayang nahulog ang loob ni Keeno (Gerald Anderson) kay April?

ADOR CUNTAPAY

ALEX GONZAGA

ANNABELLE RAMA

ATE VI

BETTY LA FEA

CANDY PANGILINAN

CINEMANILA FILMFEST

JOHN LAPUS

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with