^

PSN Showbiz

Mark nakabalik mula impyerno

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nakatutuwa itong si Mark Anthony Fernandez, meron agad kasunod ang Ako si Kim Sam Soon. Bida na naman siya sa isa pang telefantasya ng GMA 7, ang Luna Mystica at si Heart Evangelista naman ang kapareha niya. Sa naging estado ni Mark nun, walang nakahulang makakaahon siya at mababalikan pa ang pag-aartista niya. Ngayon isa na siya sa mga maaasahang leading man sa bakuran ng GMA at malalaking proyekto ang naibibigay sa kanya.

Ang bentahe ni Mark, bukod sa namana niya ang magagandang features ng kanyang mga magulang, may nakuha rin siyang galing sa pag-arte. Hindi naman siya pagkakatiwalaan ng mga proyekto kung bano siya. Pero kahit gaano siya ka-talento kung hindi siya nagpursigeng maiahon sa kumunoy na kinasadlakan niya noon, baka tuluyan na siyang kinain ng bisyo. Si Mark ang isang magandang ehemplo ng isang pumunta ng impyerno at matagumpay na nakabalik.

* * *

Nakakabalik na ring paunti-unti si Hero Angeles sa pedestal na naiwan niya. Matapos ang isang magandang comeback role sa Dyesebel, eto siya’t may magandang role sa Luna Mistica, bilang lider ng mga naka-costume na grupo ng kontrabida na magpapahirap sa buhay ni Mark.

Pumasyal ng programa ko sa radyo si Hero para lamang ipagmalaki at ipagpasikat ang kanyang costume na talaga namang napakaganda ng pagkakagawa.

Bukod sa TV, nakakabalik na rin sa pelikula si Hero. Kasama rin ito sa Sundo na nagtatampok kay Robin Padilla.

* * *

Sa wakas nagsampa na rin ng demandang qualified theft si Jennylyn Mercado laban sa kanyang handler na diumano ay siyang nagpapalit sa bangko ng mga tseke niya nang wala siyang pahintulot. Kasama niya ang kanyang abogado at manager. Exciting at kaabang-abang ang kasong ito.

* * *

Nakakabilib si Willie Revillame kung totoong nakapagreregalo na siya ng bahay. I’m sure maraming mga charitable institutions ang lalapit sa kanya para humingi ng tulong. Kung si Valerie Concepcion na may kakayahang bumili ng sarili nitong bahay ay nabigyan niya, ang mga kapuspalad pa kaya ang hindi?

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

HERO ANGELES

JENNYLYN MERCADO

KASAMA

KIM SAM SOON

LUNA MISTICA

LUNA MYSTICA

MARK ANTHONY FERNANDEZ

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with