^

PSN Showbiz

Para sa isang institusyon Claudine at Raymart magpapa-concert

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Sa pagitan ng kanyang pagtatrabaho ay bini­big­yan ng panahon ni Claudine Barretto ang pag­tulong sa iba’t ibang charitable institutions. Sa maliit nilang kapasidad ni Raymart Santiago ay hindi sila nagdadalawang-isip na tumulong, may plano pa silang magpa-concert para makalikom ng halagang maipangtutulong nila sa mga ins­titusyong lumapit sa kanila.

Patapos na ang Iisa Pa Lamang, pero may nakaplano na siyang gawing proyekto sa Star Cinema, may ihinahanda na ring bagong serye para sa aktres na kahit naman kasi kanino itambal ay sinusuportahan ng publiko.

Kapag wala siyang trabaho ay masaya na silang magkakasama sa bahay ni Raymart at ng kanilang mga anak, hands-on mother si Claudine, meron mang yaya ang mga bata ay siya pa rin ang personal na namamahala sa pagpa­palaki sa kanilang mga anak.

Tama ang kanyang pahayag na kung eighty percent ang malasakit na kayang ibigay ng mga tagapag-alaga ay one hundred ten percent naman ang sa magulang, sila mismo ni Raymart ang gumagabay sa kanilang mga anak, sila ang sumusubaybay kina Sabina at Santino.

Inglisera si Sabina, matatas mag-Ingles ang bata, buung-buo ang kumpiyansa nito. Nakikipag-usap si Sabina kahit kanino, kilometriko ang kanyang mga kuwento, si Claudine ang madalas na paksa ng bata sa kanyang mga istorya.

Sa murang edad ni Sabina ay meron na itong pakinabang, nag-aalaga na rin ito ng kanyang kapatid, kapag umuwi si Claudine mula sa trabaho ay parang reporter si Sabina na nagre-report sa kanya kung ano ang nangyari sa kanilang bahay sa maghapon.

Ganun kadaldal si Sabina, wala itong inuurungan, kung meron kang kuwento sa kanya ay sampung iba-ibang istorya naman ang ibabalik ng bata sa iyo.

At sa kuwentuhang Ingles yun, isang bagay na kinatatakutan palagi ng aming PA na si Tina Roa, palapit pa lang si Sabina ay meron na agad itong babala, “Please don’t talk to me, I have toothache!”

Iniisip siguro ng bata, bakit ganu’n si Tina, tuwing magkikita na lang sila ay masakit ang ngipin nito.

Hahahahaha!

* * *

Dahil siguro sa mga gamot na ibinibigay sa kanya ng mga doktor ay may mga pagkakataong parang nananaginip si dating Senador Ramon Revilla, Sr.. Epekto yun ng gamot, nagkakaroon ng reaksiyon ang kanyang katawan, kundi parang nagugulat palagi ang pasyente ay nananaginip naman.

Pero isang umaga ay hiningi agad ng dating senador ang kanyang alphabet chart, yun ang paraan ng komunikasyon nila ng kanyang mga anak, ang naging resulta ng pagtuldok-tuldok niya sa mga letra, “N-O N-I-G-H-T-M-A-R-E.”

Patuloy ang pagganda ng kanyang kundisyon, napakalaki nga naman ng milagrong nagagawa ng mga panalangin, hindi pa nga lang siya nakakakain dahil meron pa siyang tubo ng pagkain sa ilong.

“Namayat po si daddy, pero kapag tinanggal na ang tubo niya, siguradong makababawi na siya,” sabi ni Princess Revilla.

* * *

Isang personal na pasasalamat ang gusto naming ipaabot kay Peter Singh ng Pan de Pidro, isang malaking chain ng bakery, na aktibo sa pag-i-sponsor sa mga concert ng Backstagepass Productions ng aming anak na si BM.

Ang katatapos na concert ng Side A, Juan Pablo Dream at ni Gabby Con­cepcion ay Pan de Pidro ang presentor. Gustung-gusto ni Cogie Domingo ang kanilang Spanish bread, “hinaharang” agad ng batang aktor ang mga ipinadadala sa amin ni Peter Singh, gustung-gusto naman ng mga anak nina Senador Jinggoy at Precy Ejercito ang kanilang muffins.

Nagsimula sa isa lang ang Pan de Pidro, hanggang sa naging dalawa na, pero ngayon ay meron nang sangay ang bakery sa halos lahat ng lugar. Na­pa­kapersonal naman kasi ng pamamahala ni Peter Singh sa kanyang ne­gosyo, parehas din ang pakitungo niya sa kanyang mga manggagawa, kaya hindi imposibleng kahit sa ibang bansa ay magkaroon na rin ng Pan de Pidro.

BACKSTAGEPASS PRODUCTIONS

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

COGIE DOMINGO

GABBY CON

KANYANG

PETER SINGH

PIDRO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with