Sarah may malaking challenge na haharapin
Tiyak na malaking challenge na naman sa Pop Princess na si Sarah Geronimo ang kanyang nalalapit na major concert sa Araneta Coliseum sa darating na November 8, 2008 sa ganap na ika-8 ng gabi na pinamagatang The Next One na nakatakdang idirek ni Johnny Manahan.
A couple of years back ay napuno rin ni Sarah ang Big Dome sa kanyang kauna-unahang major concert at isa na namang pagsubok sa kanyang kakayanang mapuno ang Araneta Coliseum sa nalalapit niyang concert.
Katatapos lang magbakasyon ni Sarah ng halos isang linggo sa Amerika.
Bago siya sa sumabak sa rehearsal para sa kanyang nalalapit na concert, nag-record muna siya para sa theme song ng Baler, ang official entry ng Viva Films sa darating na Metro Manila Film Festival.
Bukod kay John Lloyd Cruz, na alam nating lahat na leading man niya sa A Very Special Love na sobrang pumatok sa takilya at kumita na halos ng P200 million bukod sa kinikita nito ngayon sa video matapos I-release ng Viva sa video format. (Two weeks itong number one sa music store at hanggang sa kasalukuyan ay malakas ang benta), may song and dance number din sila ni Billy Crawford. Showdown ito ng kantahan at sayawan. Magbibiritan naman sila ni Jed Madella.
May sayawan portion naman kasama sina Maja Salvador, Shaina Magdayao at Rayver Cruz sa nasabing concert ni Sarah.
Sa nasabing concert, meron ding special video presentation sila ni Howie D. ng Backstreet Boys member na dumating sa bansa kamakailan para sa promo ng album ni Sarah. Naka-duet niya si Howie sa I’ll Be There, ang carrier single ni Sarah sa kanyang Just Me album na ilang linggo lang sa music store ay gold na agad.
After the concert, magiging abala na si Sarah sa shooting ng sequel ng A Very Special Love with John Lloyd at buong production ng kanyang launching movie. November 10 sila mag-uumpisa ng shooting.
The Next One is produced by Viva Concerts and Events with Louie Ocampo as musical director and Johnny Manahan as director.
Si Louie Ocampo ang tatayong musical director ng The Next One ni Sarah.
* * *
Biggest break na marahil kay Ryan Agoncillo sa kanyang acting career ang bago niyang TV series na Pieta na magsisimulang mapanood ngayong Lunes.
Sa totoo lang, malayo na talaga ang narating ng nobyo ni Judy Ann Santos kung ang career nito ang pag-uusapan.
Aminado si Ryan na isang malaking karangalan para sa kanya na ipagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN ang napakagandang materyal na ito ni Carlo J. Caparas.
Siyempre pa, proud at happy para kay Ryan ang kanyang lady love na si Judy Ann (Santos).
* * *
Sina Vhong Navarro at Toni Gonzaga ay dalawa lamang sa pinakaabalang stars sa kuwadra ng ABS-CBN.
Bukod sa My Only U na matutunghayan na sa mga sinehan simula sa Oktubre 29, si Toni ay napapanood tuwing Sabado ng hapon sa Entertainment Live at sa ASAP ‘08 tuwing Linggo ng tanghali. Si Vhong naman ay nasa I Luv Betty La Fea pero hindi rin ito nawawalan ng mga raket outside his home studio.
Hindi lingid sa lahat na ang kasal ni Vhong sa aktres na si Bianca Lapus ay annulled na pero wala pa itong balak na pakasalan ang kanyang present girlfriend na si Desiree del Valle.
Si Vhong ay may dalawang anak sa magkahiwalay na babae, sina Frederick (12) sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend at si Yce (10) sa kanya namang ex-wife na si Bianca.
Magkaiba man ang ina ng kanyang dalawang anak, natutuwa si Vhong na very close sa isa’t isa ang mga anak niya.
Samantala, hinayang na hinayang sina Toni at Vhong sa kanilang recent Guam trip thru ASAP ‘08 sa University of Guam Fieldhouse nung nakaraang Oktubre 11 dahil hindi man lamang daw sila nakapamasyal.
Dumating sila a night before at umalis naman sila kinabukasan pagkatapos ng show. Nakarating na ng Guam noon si Vhong at first time naman sa nasabing US territory si Toni. Airport, hotel at venue lamang ang kanilang narating.
* * *
Email: [email protected]
- Latest