^

PSN Showbiz

Lizette Flaminiano unang nagalit kay Gabby

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Natural lang na gustong malaman ni Mommy Rose Flaminiano kung ano ang naganap nung la­pitan kami ni Gabby Concepcion sa Metro Bar nung Biyernes ng gabi.

Kundi lumabas si Mommy Rose, siguradong nag­kita rin sila ng kademandahan niyang alaga, pero kuma­kanta pa ang Juan Pablo Dream ay nagde­sisyon na siyang lumabas ng venue.

“Ayoko namang maging uncomfortable, habang nakaupo ako dun, nakatingin sa akin ang lahat. Para akong isda na nasa aquarium, kaya lumabas na ako,” sabi ng manager ni Gabby.

Bukod sa katuwirang ‘yun ay naiintindihan namin ang kanyang saloobin, hindi niya gugustuhing panoo­ring kumakanta si Gabby, magbabalik lang uli sa ala­ala niya ang maganda nilang pinagsamahan na big­lang umasim.

Sinabi namin kay Mommy Rose ang pinag-usa­pan namin ni Gabby, pati ang pakiusap ng aktor kung maaari kaming magka­usap para marinig naman namin ang kanyang mga sintemyento ay ipinarating namin sa manager, kung nakinig kami sa kanyang mga paliwanag ay hindi naman krimeng paking­gan din namin ang mga gustong sabihin ni Gabby.

Wala siyang sinabing huwag, hindi rin niya kami pini­gilang makipag-usap kay Gabby, maganda nga raw yun para mabalanse naming mabuti kung sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo.

“Basta ako, hindi ko talaga matanggap sa kalo­o­ban ko na magiging ganito pala ang resulta ng ginawa kong pagkuha sa kanya sa Amerika, ginawa ko ang lahat-lahat, pero sa maliit na halaga lang, sinukat niya ako,” punumpuno ng sentimyento ang boses ni Mommy Rose.

* * *

Hindi na namin masyadong nakikita ngayon ang kanyang anak na si Lizette, nung kararating pa lang ni Gabby dito ay sumasama pa ang kanyang anak sa mga lakad nila ni Gabby, pero bakit nga ba nung bandang huli na ay hindi na namin ito napagkikita?

May kuwento pala sa likod nun, masyado palang nasaktan si Lizette sa ginawa ni Gabby nung minsan, balewala raw kay Lizette kung magmukha man itong PA kung minsan ni Gabby dahil wala nga si Mommy Rose pero hindi nito mapalalampas ang ginawang pambabalewala ni Gabby sa kanya.

“Ipinagtanggol ko pa siya sa anak ko, huwag na niya ‘ikakong pansinin si Gabby, dahil baka masyado lang pagod dahil sa rami ng trabaho. Pero kilala ko ang anak ko, kapag may nakita na siyang palso sa isang tao, ayaw na niyang makasama,” pahayag ni Mommy Rose.

Mababaw lang kung tutuusin ang dahilan ng lahat, pero nasaktan si Lizette, ‘yun ang dahilan kung bakit nung mga huling panahong magkasundo pa sina Mommy Rose at Gabby ay hindi na sumasama sa kanila si Lizette.

“Mabait ang anak kong yun, hindi palasalita, puma­yag nga siyang maging tagadala ng mga tapes ni Gabby, para talaga siyang PA, na-take ng anak ko yun.

“Pero one day, nagsabi sa akin si Lizette, ayaw na raw niyang sumama-sama sa amin, kaya ko na raw at ng bagong PA ni Gabby ang lahat, sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit.

“Nasaktan ako para sa anak ko, alam n’yo naman, basta anak na ang pinag-usapan, unang nasasaktan ang nanay. Hindi ako ang unang nagkaroon ng sama ng loob kay Gabby, si Lizette ang una.

“Pero dahil mahal ko si Gabby bilang talent ko, binibigyan ko pa rin siya ng katwiran kay Lizette, ipinagtatanggol ko pa siya, hanggang sa ako na mismo ang nakadiskubre ng ugali ni Gabby,” makahulugang kuwento ni Mommy Rose.

Hindi lang pala usapin ng pananalapi ang pinagkadipirensiyahan nila, meron ding mga emosyonal na aspeto, kung ngayon nga lang siguro ay mahihirapan pang magkaroon ng tulay sa kanilang pagkakasundo.

Matatagalan pa siguro yun, kailangan pa munang humupa ang mga emosyon, hanggang matindi pa ang galit ay mawawasak lang ang maso na titibag sa pader.

vuukle comment

ANAK

GABBY

KUNG

LANG

LIZETTE

MOMMY

MOMMY ROSE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with