^

PSN Showbiz

Jennylyn tinakbuhan ang fans

- SEEN SCENE -

Seen : Ang pag-uusap nina Karylle at Marian Rivera sa SOP ilang linggo na ang nakalilipas. Nakita si Marian na umiiyak pagkatapos ng mahinahon na pakikipag-usap sa kanya ni Karylle.

Scene : Ang mahusay na acting ni Diether Ocampo sa Iisa Pa Lamang noong Huwebes. Maganda ang reviews sa acting ni Diether. Hindi nasayang ang pagpapadala niya ng mga text message na panoorin ang confrontation scene nila ni Cherry Pie Picache.

Seen : Ang mga pasa at galos sa braso ni Roxanne Guinoo. Sinasadya ni Roxanne na i-display ang mga pasa at galos na puwedeng-puwedeng itago kung magsusuot siya ng jacket. Nag­papakontrobersyal si Roxanne.

Scene : Hinati sa dalawa ang episode ng Obra noong Huwebes. Nagkaroon uli ng problema sa taping dahil kay Sunshine Dizon. Paulit-ulit na binibigyan ng chance si Sunshine. May hangganan ang pasensya ng mga TV network.

Seen :  Ang binura na label ng underwear na suot ni Gerald Anderson sa poster ng Starstudio Magazine. Bench endorser si Gerald ngunit Calvin Klein ang underwear na ginagamit niya.

Scene : Umakyat sa korte ng Iloilo City ang mga libel case na isinampa ni Jobert Sucaldito laban sa mag-asawang Rosita Flaminiano at Atty. Ed Flaminiano. Sunud-sunod ang kaso na haharapin ni Mrs. Flaminiano.

Seen : Ang amateurish acting ni Melanie Marquez sa Lalola. Tinalo pa siya ni Rhian Ramos sa pag-arte.

Scene : Ang pagtalilis ng takbo ni Jennylyn Mercado habang nagpapakuha ng litrato ang fans na nakakita sa kanya sa mall. Dismayado ang fans sa kawalan ng breeding ni Jennylyn. Natu­lala ang fans sa bilis ng pangyayari.

SEEN : Nadismaya ang mga reporter dahil hindi sabay na rumampa sina Claudine Barretto at     Angel Locsin sa kanilang ini-endorsong clothing company. Balitang nasa shooting si Angel.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CALVIN KLEIN

CHERRY PIE PICACHE

CLAUDINE BARRETTO

DIETHER OCAMPO

ED FLAMINIANO

GERALD ANDERSON

HUWEBES

IISA PA LAMANG

ILOILO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with