^

PSN Showbiz

Iza at Richard may chemistry

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Bagama’t maraming pareha ang nakita sa inagurasyon ng bagong gusali ng GMA 7, tumatak sa isip ng mga dumalong bisita ang naging tambalan nina Richard Gutierrez at Iza Calzado. Meron palang chemistry ang dalawa. Pwede at bagay pala silang pagtambalin sa pelikula o maski na sa TV.

Pati nga si Mama Annabelle Rama ay napansin ang chemistry ng dalawa kaya gusto niya na sana ay pagtambalin ang dalawa sa Zorro. Kaya lamang may problema dahil may nauna nang project si Iza kaya malabo na ito.

* * *

Talagang puspusan na ang pagpapareha ng GMA kina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Sa affair ng GMA sila rin ang magkasama at magkasabay ding umalis.

Ano kaya, nagiging totoo na sa tunay na buhay ang relasyon nila sa screen? Paano na si Karylle na sa ngayon ay pinalalabas na kontrabida sa relasyon ng dalawa kahit na wala itong sinasabi at tahimik lamang sa mga kaganapan. Si Dingdong lamang ang makapagbibigay ng linaw dito. Pero maging siya man ay parang ayaw magsalita.

* * *

Dumarami ang mga talents na nagrereklamo na sa kanilang mga TF. Sa ngayon ang karamihan ay mga alaga ni Becky Aguila.

Yung kaso ni Jennylyn Mercado ay isang maliwanag na kaso ng pagpapabaya sa kanyang mga kinita. Kasalan ba ito ni Jennylyn, ng kanyang manager o may iba pang taong sangkot? Bakit kasi bukod sa manager at artista, may iba pang nakikialam sa kita ng isang artista? Eh, ’yang pera, isang malaking temtasyon! Kapag nagpabaya ang isang artista, baka kamukat-mukat n’ya, nawala na’ng lahat ng pinaghirapan niya.

vuukle comment

ANO

BAGAMA

BECKY AGUILA

DINGDONG DANTES

IZA CALZADO

JENNYLYN MERCADO

MAMA ANNABELLE RAMA

MARIAN RIVERA

RICHARD GUTIERREZ

SI DINGDONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with