Nikki J kakanta ng Elvis songs
Dahil feel na feel ni Nikki J ang mga musikang classical at pop, nabigyan siya ng pagkakataon ngayong maghandog ng sariling solo concert sa Teatrino, Greenhills, titled Standard Alive, ngayong gabi, 8 p.m. pero this time para ipakita naman ang galing niya sa mga standard songs nina Elvis Presley, Cliff Richard at Connie Francis.
Si Nikki J (Junia) ay nagsimula ng training sa 14K, ang grupong iskolar ni Ryan Cayabyab noong late ’80s.
Nagsimula siyang magpakitang gilas sa stage sa edad na 11 pa lang sa mga performances na kasama ang 14K at sa Oasis of Love Community ni Fr. Sonny Ramirez.
Noong edad 13, si Nikki J ang pinakabatang naging Fe Panlilio OPM scholar sa klase ni Robert Seña.
Sa kahiligan sa musika, nagtapos siyang cum laude sa Bachelor of Science in Music, major in Voice, sa UST-Conservatory of Music.
Kaya kumbaga, hasang-hasa na si Nikki J para sa kaniyang unang konsiyerto kung saan sasamahan siya nina Fame Flores, Dyords Javier at Marian Libanan.
May special participation din si Bureau of Immigration Commissioner Nonoy Libanan na tutugtugin sa gitara niya ang musika ng The Ventures.
- Latest