^

PSN Showbiz

Abogado ni Rose Flaminiano sumagot sa abogado ni Gabby

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Ngayong gabi na ang sa pagkakaalam nami’y pinakahuling show-concert na ma­aaring gawin ni Gabby Concepcion pagka­tapos maganap ang hindi nila pagkakau­nawaan ng kanyang manager na si Mommy Rose Flaminiano.

Agosto pa naisarado ang show na ito kung saan magiging special guest si Gabby sa show ng Side A Band at Juan Pablo Dream sa Metro Bar, pirmado nilang pareho ni Mommy Rose ang kontrata, kaya legal ang palabas na ito.

Ang pinagtatalunan ngayon ay kung may kapasi­dad bang tumanggap ng trabaho si Gabby nang walang basbas ni Mommy Rose, totoo bang wala nang kontratang namamagitan sa kanila ngayon, dahil matagal nang ipinawawalang-bisa ni Gabby ang kanilang kontratahan bilang manager-talent.

Ayon sa abogado ni Gabby ay puwede na siyang tumang­gap ng show kahit walang permiso ng kan­yang manager dahil mula nang sumulat ang aktor kay Mommy Rose tungkol sa pagpapa-rescind ng kanilang kontrata ay wala nang bisa yun.

Mabilis naman ang naging reaksiyon ni Attorney Bonifacio Alentajan, tagapagtanggol ni Mommy Rose, tungkol dun.

“Ano? Huwag nga nilang i-mislead ang publiko sa mga sinasabi nila! Anong tapos na ang contract nila? Ganun kabilis at kasimple lang bang magpa-rescind ng contract?

“Mali ‘yun. Ibig ba nilang sabihin, kapag bumibitiw na sa kontratahan nila ang isang panig, tapos na ang kanilang kasunduan? Hindi fair yun, kailangang du­maan muna sa legal na proseso ang gusto nilang mang­yari.

“Wala pang decision ang husgado, kaya paano nila masasabing tapos na ang kontratahan sa pagitan ni Gabby at ni Mrs. Flaminiano? Ganun lang ba kasimple yun?” reaksiyon ng abogado ni Mommy Rose.

Kung ang kontrata nga raw na sa umpisa pa lang ay masasabi nang null and void ay kailangan pa ring desisyunan ng korte ang kawalan ng pagiging balido, ang kontrata pa kaya nina Gabby at Mommy Rose na legal na legal ang basta magiging ganun ang kapalaran, dagdag pa ng abogado ng manager.

* * *

Nung Martes ng hapon ay sinampahan ng kasong kriminal ni Mommy Rose si Gabby, estafa and deceits ang mga bagong asuntong kailangang depensahan ngayon ng aktor, nag-ugat ang kaso sa mga diuma­no’y show-concert na pinirmahang gagawin ng aktor pero hindi naman nito tinupad.

“Kumuha na siya ng advance payment, P800,000.00 ang paunang bayad na kinuha ni Gabby. Nandiyan ang tsekeng magpapatunay na nag-advance payment na siya mula sa listahan ng mga shows na gagawin niya.

“Nung July 28 siya kumuha ng paunang bayad, mula nung July hanggang sa December pa sana ang mga shows na gagawin niya, pero ang sabi ni Gabby, wala siyang alam tungkol dun.

“Itong si Gabby, palaging walang alam sa mga ginagawa niya. Kung natatandaan n’yo pa, pinaka­salan niya si Jennifer Martin nung June 19, 1984, pero isang buwan lang ang pagitan, pinakasalan niya naman si Sharon Cuneta nung July 23, 1984.

“Ano ba naman ang gusto niyang palabasin, puma­pasok siya sa isang kontratahang hindi niya alam ang mga pinapasok niya? Marunong siyang magbasa, marunong siyang umintindi, pero pirma siya nang pirma nang hindi niya alam ang mga pinipir­mahan niya?

“Pirmado niya ang listahan ng mga show, kumuha na siya ng paunang bayad, ano ngayon ang sinasabi niya na wala siyang alam tungkol sa mga shows na sinasabi ni Mrs. Flaminiano?

“Sa korte na lang niya sabihin ang katwiran niya, sa husgado na lang siya dumepensa, tingnan natin kung kakatigan ng korte ang mga palusot niya,” madiing sabi pa ni Attorney Bonifacio Alentajan.

Kapansin-pansin na ayaw nang magsalita ngayon ng manager ni Gabby, ang abogado na lang niya ang sumsagot sa mga tanong na ibinabato sa kanya, may dahilan siya kung bakit.

“Nakakapagod na kasing sumagot sa mga tanong, paulit-ulit na lang, kaya ipinaubaya ko na sa abogado ko ang lahat. Alam niya naman ang nature ng kaso, siya na ang bahalang sumagot,” pahayag ni Mommy Rose.

vuukle comment

GABBY

MOMMY

MOMMY ROSE

NANG

NIYA

ROSE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with