^

PSN Showbiz

TV network apektado sa krisis,TV ads nabawasan na!; Dating assistant ni Becky Aguila itinanggi ang pagnanakaw; 'Si Jennylyn ang may utang sa akin'

- SCENE SCENE -

Seen : Ang mga payaso sa nakaraang episode ng show ni Sharon Cuneta. Wala nang ibang idea ang mga writer ng show. Burn-out na sila. Revamp at reformat ang kailangan ng programa ni Sharon.

Scene : Ang balita na hiwalay na sina Luis Manzano at Angel Locsin. Pampaingay dahil malapit na ang showing ng pelikula nina Angel at Piolo Pascual. Ang balita na nagkakamabutihan sina Jericho Rosales at Anne Curtis. Pampaingay dahil sila ang magkatambal sa filmfest movie ng Viva Films. Ang balita na totohanan na ang relasyon nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pampaingay para sa pelikula na kanilang ginagawa. Mga pam­paingay na balita, sa ngalan ng gimik!

Seen : Ang mga wannabe stars na kasama sa cast ng Pieta. Nakakaawa ang mga wannabe. Hindi sila natanong ng press people. Dapat magkaroon ng separate presscon para sa mga wannabe upang hindi sila magmukhang kawawa.

Scene : Ang aksyon ng mga advertiser na bawasan ang budget para sa mga TV spot. Apektado sila ng global crisis. Apektado rin ang mga TV network.

Seen : Tsugi na si Eugene Domingo sa Despe­radas at Shake, Rattle & Roll. Six hundred thousand pesos ang nawala sa kanya. Isa na lamang ang kanyang filmfest entry.

Scene : Ang pahayag ng abogado ni Gabby Concepcion na wala nang karapatan si Rose Flaminiano na harangin ang mga show na tinatanggap ng kanyang kliyente. Hindi pa tapos ang laban. Umaapela sa korte ang manager ni Gabby.

Seen : Ang cute na anak nina Aubrey Miles at Troy Montero. Useless na pagtalunan kung panganay ni Aubrey ang anak nila ni Troy. Siya lamang ang nakakaalam sa kanyang mga lihim.

SCENE : Ang statement ni Mel, ang dating assistant ng talent manager na si Becky Aguila na inaakusahan ng pagnanakaw nina Jennylyn Mercado, Joross Gamboa at Valerie Concepcion.

“Wala pong katotohanan ang mga paratang nilang nagnakaw daw po ako, wala po sa akin at hindi ko rin ginamit ang pera ni Valerie Concepcion. Wala rin po sa akin at hindi ko rin po ginamit ang pera ni Joross Gamboa. Wala rin akong ninakaw kay Jennylyn Mercado siya nga po ang may utang sa akin pang-abono sa mga gastusin sa haws. Isa lang po akong tauhan na sumusunod sa mga ipinag-uutos. Simple lang po ang aking pamumuhay. Ang mga naglalabasang balita tungkol sa akin ay malinaw na paninirang puri at naaawa ako sa mga anak ko na masyadong naapektuhan sa mga ipinalalabas sa news. Sasagutin ko po ang lahat ng paratang sa tamang venue. Hindi sa paraang malisyoso na ginagawa nila. Ang aming attorney ay gumagawa na ng mga legal na hakbangin upang mapangalagaan ang aming karapatang pantao. Sa mga taong nagtitiwala at nagmamahal sa akin at sa aking pamilya, handog kayo ng Diyos sa amin. Thank you sa inyong suporta.”

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

APEKTADO

AUBREY MILES

JENNYLYN MERCADO

JOROSS GAMBOA

PAMPAINGAY

VALERIE CONCEPCION

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with