^

PSN Showbiz

Anna Dizon magpapasaya ng pinoy sa Kuala Lumpur

-

After mabigyan ng parangal sa Gawad Ame­rika bilang isa sa mga most successful recording ar­tist-entrepreneurs more than a year ago at mali­ban sa pinagkakaabalahang mga negosyo tulad ng kanyang Villa Anna-Paradise Resort and Farm sa Nautical Highway, Mabuhay 1 Socorro, Oriental Min­doro, muling binabalikan ni Anna Dizon ang pag­kanta.

Binansagang “Star Diva” ng namayapang Os­kee Salazar, yes, hindi lang ang gagawing third al­bum ang siyang pinaghahandaan ngayon ni Anna.

Sa darating na November 2, sa imbitasyon ng Filipino Workers Resources Center (FWRC) sa Kuala Lumpur, Malaysia, ay nakatakdang mag-perform si Anna doon. Kakantahin niya ang palaging nire-request sa kanyang If We Hold On Together. She will also open the event (graduation rites) by singing Lupang Hinirang. Kakantahin din ni Anna ang dalawa sa kanyang Reborn album, ang Nais Ko at For You.

Dadalo sa naturang event para i-welcome si Anna ang ilang top officials ng Philippine Em­bassy, headed by Ambassador Victoriano M. Le­ca­ros and OIC Ma. Lourdes V. Reyes of POLO-OWWA. Si Anna ang first artist na naimbi­tahan sa nasabing event, kaya she is thankful and ho­nored, lalo na ang makakanta para sa mga Pinoy na pupunta sa okasyon. Gusto rin niyang maka-inspire ng ma­ra­ming Pilipino na naghahanap ng trabaho sa Malaysia.

Bilang lady boss ng ATD International Services Incorporated, a licensed employment agency sen­ding Filipino workers abroad, more than willing si Anna to perform to other countries din to inspire our OFWs. Hindi lang iyon, ngayong araw na ito, Mar­tes, ay ipapadala ni Anna ang first batch ng hotel workers na ni-recruit nila papuntang Kuala Lumpur.

AMBASSADOR VICTORIANO M

ANNA

ANNA DIZON

FILIPINO WORKERS RESOURCES CENTER

FOR YOU

GAWAD AME

IF WE HOLD ON TOGETHER

INTERNATIONAL SERVICES INCORPORATED

KUALA LUMPUR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with