^

PSN Showbiz

Artistahing misis nanghihikayat sa beauty pageant

- Veronica R. Samio -

Aakalain mo na porke nag-asawa na ang isang ba­bae, ang tanging gagawin na lamang niya ay mag-asikaso ng asawa at mag-alaga ng mga anak? Hindi na ngayon, kahit mahirap mapagsabay ang pagiging misis at career, maraming mga babae ang matagumpay na nahahati ang kanilang oras para sa pamilya at trabaho.

Tulad ni Eimee Edralin-Cragun, isang hands-on mother sa kanyang tatlong mga anak na ang pinakamatanda ay may 17 na taong gulang at anim na taon naman ang bunso. Isa ring matagumpay na interior designer si Eimee na isa sa 10 napili sa pageant na ginanap sa Kaliningrad, Russia at napiling Most Elegant Mother for 2008 sa nasabi ring paligsahan.

Isang environmentalist si Ei­mee na tutol sa divorce at sepa­ration and she works hard to keep her family intact. Gra­duate siya ng banking and finance at sa isang bangko sila nagka­kila­la ng kanyang napa­nga­sawa na isang Amerikano.

Isang hindi malilimutang kara­nasan kay Eimee ang pag­kakapili sa kanya bilang Mrs. Philippines 2008 at pagiging isa sa Top 10 sa Mrs. World 2008 kung kaya gusto rin niyang ma­ranasan ng mga katulad niyang may asawa ang maging isang beauty queen at rumampa sa ibang bansa na dala ang pa­ngalan ng Pilipinas. Kaya nag-aanyaya siya sa mga misis na sumali sa nation­wide search for Mrs. Phi­lip­pines 2009 na ang mga mananalo ay pupunta at ma­­kikipag-compete sa Mrs. World sa Vietnam, Mrs. Globe sa USA, Mrs. Earth sa USA, Mrs. Universe sa Bulgaria.

May screening schedule para sa mga misis na 19-45 years old, may taas na 5’ 5”, at may magan­dang body mea­surement. Sa Oktubre 24, Nobyem­bre 8 at 9, 1-5 p.m., pu­munta at magpa-register sa Mendez Medical Group, 3/F, Robinsons Ermita. Manila Magdala ng limang larawan, close up, half body, whole, two ID photos, photocopy ng NSO certi­fied marriage contract at photocopy ng passport (if applicable). Magdala rin ng one-piece swimwear. Para sa ibang katanungan, tumawag sa 567-3305 o 703-7097.

Kahit may mga anak na kayo tulad nina Maricel Morales, Maricar Tolosa, Melanie Marquez at Eimee Cragun, pwede pa kayong maging beauty queen! Baka ito na ang huling tsansa n’yong makilala at sumikat at makoronahan sa Disyembre 17 sa Aliw Theater.

* * *

Isa pa ring maganda at matapang na babaeng se­­nador (na malaki ang tsansa na maging isang ma­taas na opisyal ng bansa sa hinaharap) na isang ma­ta­gumpay na ina ng tahanan at maaasahang public servant ay si Loren Le­garda.

Dalawang dekadang naglingkod si Sen. Loren bilang broadcast jour­nalist bago pinasok ang magulong mundo ng pulitika na kung saan hawak niya ang record bilang nag-iisang babae na nag-top sa senatorial race noong 1998 at 2007. Ang kanyang dedikasyon sa trabaho ay nag­bunga ng pagkakapasa ng maraming batas na may national signi­ficance. Bukod dito, advocate din siya ng toxic wastes clean-up sa dating US bases sa Subic at Clark at nagbigay ng tulong na medikal sa mga biktima ng toxic waste contamination.

Itinatag din niya ang Luntiang Pilipinas para mapalaganap ang mara­ming environmental concerns at mabigyan ng solusyon ang mga prob­lema dito.

Binigyan din siya ng titulong Honorary Muslim Princess ng Marawi Sultanate League for her outstanding work para sa mga Muslim.

Kamakailan, kinilala rin ni Mother Lily Monteverde ang kanyang mga naitulong bilang isang public servant sa loob ng 30 taon. Bilang ganti, nag-file ang magandang senadora ng isang Senate Resolution (SRN 676) na tinanggap ng Senado, “saluting the movie producer’s mag­nanimity for doing everything in her power to bring joy and entertainment to the Filipino viewers.”

* * *

Makalipas ang ilang buwan sa ere, malalaman at matutunghayan na ang pagtatapos ng ABS-CBN daytime series na Ligaw na Bulaklak, na pinagbibidahan ni Roxanne Guinoo sa October 24, Biyernes.

Sa nalalapit nitong pagtatapos, mahanap na kaya ni Leah ang tunay na makapagpapasaya sa kanya?

Napatunayan na ni Roxanne ang kanyang kakayahan bilang isang dramatic actress sa nasabing serye. Hindi biro para sa dalagang aktres ang makasama ang mga respetado at multi-awarded na aktor at aktres sa industriya katulad nina Sid Lucero, Noni Buencamino, Ara Mina,Coco Martin, Mark Abaya at iba pa kaya naman hinusayan niya talaga ang pagganap sa role.

vuukle comment

ALIW THEATER

ARA MINA

COCO MARTIN

EIMEE

EIMEE CRAGUN

EIMEE EDRALIN-CRAGUN

ISANG

MRS. WORLD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with