^

PSN Showbiz

Reporters off-limits sa shooting nina Dingdong at Marian

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Si Mark Herras ang bida sa indie movie na Sapi at kasama niya sa pelikula si Stella Peñalosa.

The who si Stella? Siya ang ex-girlfriend ni Cesar Montano kaya pamilyar ang kanyang pangalan.

Isinilang at lumaki si Stella sa Germany pero matatas ang pagsasalita niya ng Tagalog. Mabilis na nakumbinsi si Stella na sumali sa cast ng Sapi dahil co-producer nito ang kanyang mother dear.

Eighteen years old si Stella nang makilala siya ni Cesar. Engaged na raw sila noon pero hindi natuloy ang kanilang kasal.

Minahal ni Cesar si Stella kaya nagpabalik-balik siya noon sa Germany para dalawin ang kanyang mahal.

Si Stella ang nag-back out sa kasal nila ni Cesar dahil mas pinili niya na tapusin ang kanyang pag-aaral. Hindi man sila nagkatuluyan, friends sina Cesar at Stella.

* * *

Bakit kaya tumatawag sa akin si Mommy Rose Flaminiano? Beauty rest ko noong Linggo kaya walang puwedeng makaabala sa pagtulog ko.

Ang sey ng aking mga maid of honor, tawag nang tawag sa telepono si Mommy Rose at dumating ito sa punto na ipinagigising niya ako sa aking mga kasambahay.

Parang napaka-urgent ng mga tawag ni Mommy Rose. May kinalaman kaya ang phone calls niya sa pagkikita namin ni Gabby Concepcion sa Ultra Mega Expo sa Sofitel noong Biyernes? Magpapatulong kaya si Mommy Rose sa paniningil kay Gabby ng kanyang komisyon?

* * *

Natawa ako sa nabasa ko na coffee table lang ang tawag ni Jennylyn Mercado sa coffee table book na kanyang ipino-promote.

Coffee table rin ang siney ni Jennylyn sa phone-patch interview namin sa kanya ni Papa Joey de Leon sa Startalk noong Sabado. Pinigil ko ang sarili na mapahalakhak dahil sigura­dong hindi intensyon ni Jennylyn na magkamali.

Ang kaso, inulit pala niya sa SOP ang pagpa-plug sa kanyang ‘coffee table.’ Nahalata na tuloy ang kanyang pagkakamali.

Sa next promo ni Jennylyn, huwag na niyang sabihin ang coffee table book para hindi siya magkamali. Para safe, Jennylyn book na lang ang kanyang i-plug!

* * *

Marami pala talaga ang natuwa sa pagbabati nina Willie Revillame at Joey de Leon. In fairness, masaya si Papa Joey nang mag-report siya sa studio ng Startalk noong Sabado.

Kakaiba ang glow ng kanyang face dahil sa hindi sinasadya na pagkikita at pagkakasundo nila ni Willie sa bar na pag-aari ni Tim Yap.

True ang sabi ni Tim, hindi puro away ang nangyayari sa Embassy Bar na nakilala dahil dito madalas na nag-uumbagan ang mga sikat na celebrity at mga powerful atsutsutsu.

Maipagmamalaki na ngayon ni Tim na peace zone na rin ang Embassy dahil sa makasaysayang pagbabati nina Papa Joey at Willie.

* * *

Off-limits sa mga reporter ang shooting ng One True Love. Hindi pa puwedeng magpainterbyu sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga reporters na nangungulit kung totoo ang mga tsismis na sila na at out na si Karylle sa buhay ng Sexiest Male Actor ng ating bayang magiliw.

Mas madaling mahanap ang kinaroroonan nina Dingdong at Marian. Hindi kuntento ang mga reporters sa mga sagot nila sa interbyu sa kanila ni Butch Francisco.

Close ako kay Dingdong. Kung gugustuhin ko, puwede kong itanong sa kanya nang personal ang tunay na kalagayan ngayon ng relasyon ni Karylle. Sure ako na hindi magsisinungaling si Dingdong pero ayoko siyang tanungin. Baka ikaloka ko ang isasagot niya sa akin! Type na type ko pa naman si Karylle para sa kanya!

vuukle comment

BUTCH FRANCISCO

JENNYLYN

KANYANG

KARYLLE

MOMMY ROSE

PAPA JOEY

STELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with