^

PSN Showbiz

Glydel lukaret!

-

Balik-bida pala sa pelikula ang aktres na si Glydel Mercado, pagkalipas ng maraming taon. Isa sa mga naging markadong award-winning performances niya ay ang Sidhi with Nora Aunor, directed by Joel Lamangan years ago.

After that movie ay namahinga muna siya sa paggawa ng pelikulang maka­bu­­luhan. Nang manganak siya (anak nila ni Tonton Gutierrez) tumaba siya ng konti kaya namahinga ang aktres. Pero nang mabasa niya ang script ng Lukaret, nagustuhan nito ang script, kahit indie film pa ito kaya sinunggaban niya.

Isang black comedy mula sa panulat at direksiyon ni Felino Tañada ang Luka­ret.

Noong July ay nag-world premiere ang Lukaret sa Cinemalaya 2008 sa CCP.

Si Direk Felino ay siya ring nagdirek ng Hanggang Dito Na Lamang At Maraming Salamat, ang film version ng classic gay stage play na ginampanan sa entablado ng seasoned actors.

Hindi lang black comedy ang Lukaret dahil may atake rin daw ito ng suspense (kung sino ang serial killer) at weird love story between Glydel at isang bagets na newcomer, si Ralph Darell Mateo na twice nagpakita ng puwet sa movie, huh!

Mula sa Synkronicity Films, ang Lukaret ay showing sa Miyerkules, October 22 sa Indie Sine ng Robinson’s Galleria sa Ortigas.

* * *

 Uy for the first time, magsasama-sama sa isang concert sa Araneta Coliseum ang Side A , Freestyle at MYMP sa isang major concert na gaganapin sa Decem­ber 1 and 8 sa Araneta Coliseum.

Actually, first time itong mangyayari na magko-concert ang tatlong higanteng grupo ng musika sa bansa.

Tig-iisang oras silang magpi-perform kaya sulit ang ibabayad ninyo.

Lahat sila ay maraming pinasikat na kanta kaya nga ang title ng show nila, Back to Back to Back: All Hits Live!

Ang Side A na binubuo nina Naldy Gonzales, Joey Generoso, Ernie Severino, Ned Esquerra and Leevon Cailao. Kakantahin siyempre nila ang mga biggest hits na Hold On, Tuloy Pa Rin Ako, Eva Marie, Forevermore, I Believe in Dreams, Let The Pain Remain, Set You Free at marami pang iba.

Ang Freestyle na akala ko ay disbanded na siyem­pre pa’y iparirinig ang kanilang mga pinasikat na kantang Before I Let You Go, So Slow, Down and Funky, ‘Till I Found You, This Time, Bakit Ngayon Ka Lang at iba pa.

Ang paborito naman nating acoustic duo - Juris Fernandez and Chin Alcantara ay babalikan ang mga sikat nilang kantang A Little Bit, Waiting In Vain, Every Little Things, Tell Me Where It Hurts, Miss You, Get Me and Could Be Wrong.

* * *

Minsan din palang inoperan si Donita Rose na mag-endorso ng alak. Pero kahit malaki ang bayad, tinanggihan niya dahil sa sariling paniniwala.

Ito ang binalikang kuwento ni Donita nang minsang mag-guest siya sa 700 Club.

Pero wala naman daw pinanghihinayangan si Donita sa nangyari. (SVA)

A LITTLE BIT

ALL HITS LIVE

ANG FREESTYLE

ANG SIDE A

ARANETA COLISEUM

BAKIT NGAYON KA LANG

BEFORE I LET YOU GO

DONITA

LUKARET

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with